Ilang pampasaherong jeep, tuloy ang biyahe sa ikalawang araw ng tigil-pasada | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang pampasaherong jeep, tuloy ang biyahe sa ikalawang araw ng tigil-pasada

Ilang pampasaherong jeep, tuloy ang biyahe sa ikalawang araw ng tigil-pasada

ABS-CBN News

Clipboard

Traffic comes to a halt at España Rotonda as the jeepney strike blocks three lanes of Quezon Avenue on April 16, 2024. Lou Vertucio, ABS-CBN News

MAYNILA — Mas pinili pa rin ng ilang mga tsuper na mamasada sa ikalawang araw ng transport strike bilang protesta sa franchise consolidation na bahagi ng Public Utility Vehicle Modernization Program.

Sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, sunod-sunod ang dating ng mga jeep sa Don Antonio, kanto ng Luzon Avenue, Tandang Sora at UP Technohub.

Ito ang mga pampasaherong jeep na may ruta papuntang Fairview, North Avenue at Cubao at pabalik.

Sa Quezon Avenue naman, may mga jeep din ang patuloy sa pamamasada. Ito ang may biyaheng papuntang Welcome Rotonda, Santa Mesa at Aurora Boulevard.

ADVERTISEMENT

Ayon sa ilang mga tsuper, miyembro sila ng mga kooperatiba kaya hindi na sila lumahok sa protesta. 

Ang ibang tsuper naman, kinailangan na mamasada para may maiuwing kita para sa kanilang pamilya. 

Samantala, tuloy-tuloy lang ang pagsakay ng mga pasahero sa bahagi ng Caloocan, lalo na sa rotonda sa Monumento.

FRANCHISE CONSOLIDATION
FRANCHISE CONSOLIDATION

Ang pagsali sa kooperatiba ay kasama sa mga rekisito ng franchise consolidation.

Ang franchise consolidation ay susundan fleet ng modernization, o ang pagpapalit ng sasakyan na gamit ng kooperatiba.

ADVERTISEMENT

Tutol ang mga miyempro ng mga transport group na PISTON at Manibela sa franchise consolidation.

Masyado raw mahal ang mga minibus na ipapalit sa tradisyunal na jeepney at dahil sa mga usapin sa pagmamay-ari ng mga yunit na gagamitin ng kooperatiba.

Hanggang Abril 30 na lang makakabiyahe ang mga jeepney na hindi papaloob sa kooperatiba, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.