'Yes', wagi sa plebisito sa 3 barangay sa Marawi City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Yes', wagi sa plebisito sa 3 barangay sa Marawi City
ABS-CBN News
Published Mar 09, 2024 09:41 PM PHT

Kuha ni Merlyn Manos

Maayos ang naging takbo ng plebisito ngayong araw sa tatlong barangay sa Marawi City.

Ang plebisito ay upang likhain ang Barangay Sultan Corobong (mula sa Barangay Dulay) Barangay Sultan Panoroganan (mula sa Barangay Kilala) at Barangay Angoyao (mula sa Barangay Patani).

Ayon sa mga botante, kahit mano-mano, madali silang nakaboto dahil dalawa lang ang pagpipilian kaya wala silang problema.

Karamihan sa aming nakapanayam ay pabor sila sa paghati ng kanilang mga barangay dahil layunin naman ay para maayos ang serbisyo para sa kanila.

Ayon kay Jamail Miraato, Poll to Chairman dito inumpisahan nila ng 7:30am alinsunod sa utos ng Commission on Elections.

Si Abdulbasit Ali, maaga pa lang, bumoto na. Wala umano syang nakikitang mali upang hatiin ang Barangay Dulay.

Nag ikot naman si Commissioner Aimee Ferolino. Aniya, naging maayos ang botohan dahil na din sa walang kumontra sa ginagawang botohan.

Ganon pa man kahit tatlong barangay lang ito buong pwersa ang COMELEC upang masiguro ang pagsasaayos ng botohan.

Bandang alas onse ng umaga sa Kilala Elementary School, marami pa ang nakapila na boboto pero maayos naman silang nag antay sa labas ng gate.

Bantay sarado ang mga ito ng mga pulis at sundalo. Anila wala namang nagpumilit na mauna sila sa pila kahit marami sila.

Sa Patani Elementary School, kung saan marami ang boboto, mga 11:30 ng umaga ay nagpapahinga na ang electoral board dahil konti na lang ang hindi pa nakaboto.

Bandang alas-3 ng hapon ay nagsara na ang botohan.

Nanalo ang yes votes, kaya’t sa ngayon ang Marawi City ay may 101 barangay na.

Nagpasalamat naman ang COMELEC sa PNP, AFP, lalong lalo na sa mga guro na naglingkod sa botohan at sa mga taong bumoto ngayong araw. - Ulat ni Merlyn Manos