'French Spider-Man' inaresto matapos umakyat ng gusali sa Makati | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'French Spider-Man' inaresto matapos umakyat ng gusali sa Makati

Si Alain Robert, na kilala rin bilang "French Spider-Man," habang umaakyat sa GT Tower sa Makati City, Marso 5, 2024. Maria Tan, ABS-CBN News

MAKATI — Napahinto ang publiko sa Makati City Business District nang akyatin ng tinaguriang "French Spider-Man" na si Alain Robert ang isa sa pinakamataas na gusali (GT Capital) sa kanto ng HV Dela Costa at Ayala Avenue nitong Martes ng umaga.

Kilala si Robert sa larangan ng free solo climbing na nakaakyat na sa ilang mga matataas na gusali na buong mundo na walang climbing equipment.

Sari-sari ang naging reaksyon ng ilang mga bystander habang pinapanood akyatin ni Robert ang nasa 43 palapag na gusali.

“Kinakabahan po ako, kasi ang taas eh… Kinakabahan po talaga ako, parang may something siya sir. Sabi vlogger daw siya baka gusto niya magkapera ng marami,” sabi ni Fernando Umandap.

ADVERTISEMENT
“Kinakabahan ako para sa kanya pero may tama yata sa utak yan eh…” sabi naman ni Raffy Miranda.

“Baka malaglag kasi siya nakakatakot naman, natatakot [ako] baka malaglag. Ninenerbiyos siyempre," sabi ni Loida Fernandez.

Nang maalerto ang otoridad sa stunt, inabangan sa baba ng gusali si Robert ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection, Makati Police at Makati Disaster Risk Reduction office.

Matapos ang halos dalawang oras, natapos niyang akyating ang gusali. Agad din siyang inaresto ng Makati PNP at dinala sa Sub Station 6.

Matapos ang medical exam, tinurnover siya sa headquarters ng pulisya.
Matapos ang medical exam, tinurnover siya sa headquarters ng pulisya.
ADVERTISEMENT
Ayon sa 61-anyos na "human-spider”, sa kanyang edad na-eenjoy pa rin niya ang pag akyat. At ang dahilan ng kanyang pag-akyat ngayong araw, ang sigalot umano sa karagatan ng Pilipinas.

"Because I have heard from quite sometimes that there is a problem in the Philippine, Philippine Sea, some islands that one of the country trying to take it from the Philippines, which is unfair because it is attacking your sovereignty. It shouldn’t be like that… I meant good, and that’s it. Now let’s see what would be the outcome if they want to put me in jail. I don’t know, I have no idea," sabi ni Robert.

"Climbing a building is a small offense. I didn’t kill anyone, I didn’t rape anyone," dagdag niya.

Ayon pa kay Robert, mahal niya umano ang Pilipinas na binabalik-balikan niya simula pa ang 1997, 1998 at 2019 - ang taon kung kailan una niyang inakyat ang kaparehong gusali.

Dagdag niya, naiintindihan naman niya aniya ang batas sa Pilipinas at naniniwala siyang hindi naman umano siya nakaantala sa publiko.

"It didn’t really interrupt the traffic, because I saw they didn’t close the any lanes… I do understand that," sabi ni Robert.

"Most of the open country, they don’t care. I’ve been climbing in France, maybe 50 times, I haven’t got any problems. I have been climbing in Germany many times, I haven’t got any problems. I’ve been climbing in Belgium and no problem. Italy, no problem. UK, no problem. I’ve been climbing all around the world," dagdag niya.

Pero ayon kay P/Colonel Edward Cutiyog, hepe ng Makati City Police, posibleng maharap sa mga asunto si Robert.

“So the possible charges that he will be facing, is 'yung alarm and scandal and then we will see if there are possible trespassing. Depende po kung nagpaalam siya sa building administrator or may complainant sa building po na 'yan," sabi ni Cutiyog.

"Yes, year 2019 the same building nag-akyat din siya dun at the same case has been filed [against] him," dagdag ni Cutiyog.

May piyansang P40,000 ang reklamong alarm and scandal kung sakaling pagbigyan ng piskalya na magbayad si Robert.

Nasa kustodiya siya ngayon ng Makati City PNP.