Mga bahagi ng katawan ng tao, nakita sa labas ng NBI sa Bacolod | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga bahagi ng katawan ng tao, nakita sa labas ng NBI sa Bacolod

ABS-CBN News
Published Mar 04, 2024 05:12 PM PHT

Isang sakong may lamang ilang bahagi ng katawan ng tao ang natagpuan sa labas ng tanggapan ng National Bureau of Investigation sa Bacolod City.

Ayon sa mga paunang ulat, isang magtitinda ang unang nakapansin sa sako sa labas ng gate ng opisina. Ayon pa sa tindera, inakala niyang frozen food ang laman ng sako na nahulog mula sa sasakyan ng NBI.

Matapos nito ay sinabihan niya ang isang NBI volunteer na dalhin ang sako malapit sa gate ng NBI office, saka sila tumawag ng isang empleyado para buksan ang sako.

Nang buksan ito, nakitang may laman itong putol na kaliwang braso, kaliwang binti at dalawang tenga ng tao.
Nang buksan ito, nakitang may laman itong putol na kaliwang braso, kaliwang binti at dalawang tenga ng tao.
ADVERTISEMENT
Ipinagbigay alam na ng NBI sa pulisya ang insidente. Bumuo na rin ng isang task force para imbestigahan ito.