Mga mananampalataya nakiisa sa Easter 'Salubong' sa Quiapo Church | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga mananampalataya nakiisa sa Easter 'Salubong' sa Quiapo Church
Pagdiriwang ng 'Salubong' sa Quiapo Church, Maynila ngyaong Easter Sunday, Marso 31, 2024. Job Manahan, ABS-CBN News

MAYNILA — Maraming mananampalataya ang nakiisa sa "Salubong" ngayong Easter Sunday sa Quiapo Church, tampok ang mataimtim na dasal, fireworks, at sayaw ng mga bata.

Pinangunahan ni Quiapo Church Rector Rev. Fr. Rufino Sescon, Jr. ang Easter Vigil na nagsimula ng alas-8 ng gabi noong Sabado at nagtapos bandang alas-11:30 ng gabi. Sinundan agad ito ng prusisyon ng pagsalubong sa Plaza Miranda, kung saan daan-daang deboto ang nanood ng "Salubong," kung saan ginugunita ang muling pagkabuhay ni Hesus.

Sa Easter Vigil, hinikayat ni Fr. Sescon ang mga mananampalataya na patuloy na gumawa ng mabuti sa kapwa at laging piliin ang mga tamang gawain para kay Hesus.

“Kung sa tingin natin nanaig ang nasa kadiliman at kasamaan, kung inaakala natin 'yong mga hindi sumusunod, 'yong mga nagkukunwari lamang ang siyang nakalamang, kahit sa pagdedebosyon nagkakamali tayo. Tandaan natin, nasa Diyos ang huling halakhak at ang mabuting balita dahil muling nabuhay si Hesus, atin din ang huling halakhak,” ani Fr. Sescon.

Dagdag ni Fr. Sescon, dapat hayaan na manaig ang buhay at aral ni Hesus, at lalo itong sariwain ngayong Easter Sunday. “Ang buhay ni Hesus ay buhay din natin,” aniya.

Apat ang bininyagan sa kalagitnaan ng Easter Vigil.

Nagkaroon din ng prusisyon ng pagsalubong sa Plaza Miranda, kung saan pinagtagpo ang imahen ng Birheng Maria at imahen ng Kristong Muling Nabuhay.

Nagtapos ang prusisyon ng pagsalubong sa Quiapo Church sa fireworks at sayaw ng mga bata.

Idinaos din ang pag-alis ng belo ng Mahal na Birhen, na simbolo ng pagtatapos ng kanyang pagluluksa.

Ikinatuwa ni Elizabeth de Silva ang tradisyon ng pagsalubong sa Quiapo Church, lalo na’t unang beses niya itong natunghayan sa naturang simbahan. Paraan din niya ito ng pasasalamat sa Diyos.

“First Easter ko na maka-attend dito. Thankful ako kasi na-appreciate ko na ang ginawa ni Jesus Christ para sa atin. Tayo ngayon ang umaani sa blessing na ‘yun, hindi na natin kailangan magpakahirap pa,” ani De Silva.

Dagdag niya, maghahanda ang kanyang pamilya para sa Easter at dadalaw sa puntod ng kanyang namayapang anak na deboto ng Poong Nazareno.

Masaya rin si Abby Dublin dahil kasama niya ang kanyang mga kaibigan sa taunang tradisyon.

“Madaming tao, maraming sumasama sa prusisyon, kahit isang taon lang siya, para sa akin, kailangan pa rin natin siyang pahalagahan (salubong), kailangan mo pa rin puntahan si God,” ani Dublin.

Nakapagnilay-nilay at nakapagpahinga umano siya ngayong Semana Santa. Ilan sa mga babaguhin niya ay iwasan ang pagiging magastos at mabarkada.

May misa kada oras sa Quiapo Church ngayong Linggo mula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-11 ng umaga. Sa hapon at gabi, naka-schedule ito ng 12:15 p.m., 3 p.m. hanggang 7 p.m.