Sunog sumiklab sa commercial establishment sa Paco | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa commercial establishment sa Paco

Sunog sumiklab sa commercial establishment sa Paco

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Nasunog ang isang 3 palapag na commercial establishment sa Maynila nitong Biyernes ng madaling araw.

Isang bumbero ang nagkaroon ng second degree burn habang rumeresponde sa sunog at dinala agad sa ospital, sabi ni FSSupt. Christine Doctor-Cula, BFP-Manila District Fire Marshal.

Walang nasawi sa sunog, na sumiklab mag-a-alas-3 ng madaling araw.

Umabot ito sa ika-4 na alarma at naideklarang fire under control ng 5:21 a.m.

ADVERTISEMENT

Natutulog si Janna Tinong nang may sumigaw na nasusunog ang isang kuwarto sa establisimiyento na tinutuluyan nila. Dito na siya nataranta kaya walang naisalbang gamit.

“Malaki na [ang sunog]. Aabot na hanggang second floor. Ginising ako ng kuya ko. Dala-dala lang namin mga cellphone namin, kahit kaunting damit wala. Sa sobrang taranta namin akala namin andito na sa baba [yung sunog],” ani Tinong.

“Na-check na ng may-ari ng inupahan namin, hindi naman daw [nasunog ang kuwarto namin],” dagdag niya.

Isang bodega ng mga sari-saring grocery items ang nasunog, sabi ni FSSupt. Cula. Itinaas sa ika-4 na alarma dahil sa lawak na inabot ng apoy at kailangan ng dagdag suplay ng tubig.

“May mga hydrant naman tayo, kailangan lang talaga taasan 'yung magsu-supply ng tubig kasi mabilis kumalat, 'yung mga structure ay flammable. Kailangan maglatag ng maraming hose tapos magkabilaan ang atake natin – sa likod at sa harap,” ani FSSupt. Cula.

“Yung likod ang challenge kasi kailangan ng tubig,” dagdag niya.

“Tinutukoy pa ng mga imbestigador natin kung saan talaga ang source ng fire natin at ilan ang mga structure na involved,” aniya.

Patuloy na inaalam ng BFP-Manila ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng ari-ariang napinsala.

Read More:

fire

|

sunog

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.