Sunog sumiklab sa library ng Xavier School | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa library ng Xavier School

Sunog sumiklab sa library ng Xavier School

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

Clipboard

Sumiklab ang sunog sa library ng Xavier School sa Greenhills alas-12 ng tanghali ng Miyerkoles.

 Ayon sa BFP San Juan, nagsimula ang sunog sa aircon ng library.  

"Nag-start po siya sa airconditioning ng room then eventually naka damay po siya ng ilang papel sa kanyang area kaya medyo lumaki," sabi ng opisyal ng BFP San Juan na rumisponde sa lugar. 

Sa FB Page ng Xavier School, nakasaad na katatapos lang ng  grade school graduation ng 11:45 a.m. nang may nakitang usok na lumalabas sa kanilang school library.

ADVERTISEMENT

Mabilis na pinalabas sa football field at sports center ang mga estudyante, bisita at empleyado ng eskwelahan.

Ayon sa BFP at fire volunteers mula sa Quezon City Fire Brigade and Volunteers Group at Fire and Rescue Alert Responders, mabilis na nadeklarang Fire Out ang sunog sa loob ng 30 minuto. 

Wala gaanong libro umano sa kwarto kaya't di rin mabilis ang pagkalat ng apoy. 

"Sa library, basically computer na 'yung gamit nila so less combustible," sabi pa ng opisyal ng BFP San Juan.

Wala naman nasugatan sa insidente, lalot ang mga estudyante na nasa graduation ay nasa kabilang gusali.  

ADVERTISEMENT

“Good thing, Ma'am, there’s no class today, because graduation, graduation ng iba then 'yung building po is empty that time, kasi sa other building sila," ayon sa BFP San Juan.

Aabot sa humigit kumulang  P50,000 ang halaga ng pinsala.

Ang mga aktibidad daw ng Grade 12 ay hindi naman daw maapektuhan. 



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.