Face app kayang malaman kung may criminal record ang suspek sa 'ilang segundo' | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Face app kayang malaman kung may criminal record ang suspek sa 'ilang segundo'

Face app kayang malaman kung may criminal record ang suspek sa 'ilang segundo'

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Kasado na at ginagamit na kontra krimen ng Quezon City police ang pinakabagong facial recognition application sa itinayong Unified Intelligence and Investigation Center o UIIC.

Sa loob lang umano ng ilang segundo ay malalaman na kung may criminal record at pending warrant of arrrest ang isang suspek.

Limang mabilisang proseso ang gagawin ng mga pulis.

Una ay kukuhanan ng larawan sa cellphone ang subject na nahuli. Pangalawa, ipapadala ang litrato nito sa Viber group ng QCPD Cyberpatroller Group. Pangatlo, iko-cross match sa unified system ang larawan at doon lalabas kung may warrant of arrest o criminal record ng suspek.

ADVERTISEMENT

"Ita-tie up natin doon sa ating data base kung saan naroon ang lahat ng mga taong hinuli natin na may pending warrants of arrest  lahat ng may criminal records," sabi ni QCPD Director PBGen. Redrico Maranan.

Malalaman rin kung gumagamit ang suspek ng ibang pangalan o peke ang ID na ipinapakita nito.

"After verification, kung ano 'yung result no'n, babalik 'yon doon sa arresting officer doon sa field. So right there and then in a matter of seconds malalaman nung ating arresting officer na 'yung kanyang inaaresto pala ay may pending warrants of arrest at may dati nang mga kaso," ani Maranan.

"So kahit baguhin n'ya 'yung mga pangalan niya o hitsura niya during the arrest so immediately magkakaroon ng information 'yung arresting officer na siya pala ay naaresto na dati, at itong pangalan na ito ang kanyang ginamit," dagdag niya.

Ani Maranan, malaking tulong ang bagong app para sa accurate identification ng mga suspek, lalo't marami umano ang nakakalusot sa paggawa ng mga pekeng dokumento.

ADVERTISEMENT

"'Yung mga criminals from time to time nagbabago 'yan ng mga pangalan, nakakapag-produce ng fake identifications na iba-iba rin 'yung pangalan, kaya nalulusutan nila 'yung mga warrants of arrest at 'yung mga legal processes at this time dahil may facial recognition na tayo kahit magbago-bago siya ng pangalan eh makikilala pa rin po natin sila," sabi ni Maranan.

Ipinakita din ni Maranan ang isang aktuwal na larawan ng suspek kung saan halos iba na ang hitsura nito, pati ang gupit nito, pero nakuha pa rin ang kanyang pagkakakilanlan base sa UIIC system.

Paliwanag ni Maranan, hindi naman ito papasok sa isyu ng mistaken identity dahil ang bagong system application ay dagdag lang sa kanilang mga measures o paraan kontra krimen

"This is only one of the ways kung papaano natin ma-identify hindi lamang ito name basis, puwede naman through research at pagkatapos ito facial recognition. Add on lang ito, at mas mabilis ito," sabi ni Maranan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.