'Kristo' ng Pampanga magpapapako sa ika-35 pagkakataon sa Biyernes Santo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Kristo' ng Pampanga magpapapako sa ika-35 pagkakataon sa Biyernes Santo

ABS-CBN News
Published Mar 15, 2024 12:36 PM PHT

Nagpapako sa krus si Ruben Enaje bilang bahagi ng kaniyang panata para sa Biyernes Santo sa San Pedro Cutud, San Fernando, Pampanga, Abril 19, 2019. Mark R. Cristino, EPA-EFE/File

Dalawang linggo bago ang Semana Santa, inalabas at nilinisan na ni Ruben Enaje ng San Fernando Pampanga, ang kaniyang mga kahoy na krus.

Ang apat sa mga ito, hihiramin ng mga kakilala’t kaibigan, habang ang isa at papasanin niya sa pagganap na Kristo sa Biyernes Santo.

Naging panata na ni Enaje ang pagganap na Kristo tuwing Mahal na Araw mula nang maaksidente noong dekada '80. Aniya, paraan niya ito ng pasasalamat sa ikalawang buhay.

“Siguro Siya ang gumawa ng aksidente na yun. Kahit na sabihin na natin na aksidente, talagang hindi pa rin Niya ako pinabayaan, sinalo pa rin Niya ako doon sa pagkahulog ko. Yun ang naging siguro simbulo na gaganap ako bilang Kristo," ani Enaje.

Kung tutuusin, tapos na nga raw ang mga taon ng pagpapanata ni Enaje sa kanyang pagkakaaksidente, pero wala pa siyang balak tumigil sa pagganap bilang Kristo, lalo't wala pang napipiling kapalit sa barangay.

Sa darating na Biyernes Santo, muli siyang magpapako sa krus sa ika-35 pagkakataon. Yun nga lang, kumpara sa mga nakaraang taon, mayroon siyang kaunting agam-agam ngayon.

Bakas na ang katandaan niya sa edad na 63. Puti na ang kaniyang buhok, kilay at balbas; nangulubot na rin ang balat. Aminado siyang hindi na siya kasinglakas nang dati kaya hindi biro ang 14-talampakang haba ng krus na may bigat na 37 kilos na papasanin niya nang halos 3 kilometro. Dagdag pa sa inaalala ni Mang Ruben ang matinding init ng panahon ngayon.

Kaya naman sa ikalawang pagkakataon, bubuhatin niya ang mas magaan na krus na wala pang 20 kilo ang bigat.

"Ang kalusugan naman natin, medyo may dinaramdam dahil lumaki katawan natin, hinihingal kapag nagbubuhat ng mabigat... Kung ako ang tatanungin, medyo nag-aalinlangan ako kasi medyo iba yung init ng panahon kaysa noon. Ngayon pati yung hangin maiinit na rin," ani Enaje.

Si Ruben Enaje sa kaniyang tahanan sa San Fernando, Pampanga, April 9, 2019. Danny Pata, EPA-EFE/File

Inaasahang libu-libong lokal at turista ang muling darayo sa Pampanga para makita ang mga namamanata. Paalala ni Enaje sa publiko, hindi lang palabas ang kanilang ginagawa.

“Ito ay isang tradisyon namin na ginagawa kapag may hinihingi sa ating mahal na Panginoon. Dadaan muna tayo sa paghihirap para makamit natin yung mga minimithi. Hindi po biro-biro ang ginagawa namin kaya respetuhin po naman ninyo kami sa aming ginagawa, lalo na yung mga kabataan ngayon, sinasabi na kaya din namin yan pero kapag aktwal na, talagang bibigay sila," ani Enaje.

Ayon kay Robin Tangtingco ng Center for Kapampangan Studies, malalim ang pananampalataya ng mga Kapampangan na nagmula pa sa implewensya ng iba't ibang bansa.

Ngayong taon, alay ni Enaje ang panata para sa pagkakaisa sa buong bansa.

"Marami nang hindi magagandang nangyayari ngayon sa ating bansa. Tayo-tayo mismo naglalaban, ipagdarasal ko yan na sana magkaisa tayo, maging mabuti sa susunod na taon ang ating bansa," sabi niya.

Hindi naman ito ipinagbabawal ng Simbahan pero hindi rin naman ito hinihikayat na gawin din ng iba.

Ang iba’t ibang panata at pagsasakripisyo ay hindi lamang bahagi ng tradisyon ng mga Kapampangan tuwing Semana Santa, kundi pati na rin isang malalim na ekspresyon ng kanilang tunay na pananampalataya at pagmamahal sa Diyos at kapwa.

-- Ulat ni Gracie Rutao
Read More:
Good Friday
pako sa krus
panata
debosyon
tradisyon
Tagalog news
regional news
Holy Week
Semana Santa
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT