Motorsiklo nag-counterflow sa Skyway, sumalpok sa sasakyan; rider patay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Motorsiklo nag-counterflow sa Skyway, sumalpok sa sasakyan; rider patay

Motorsiklo nag-counterflow sa Skyway, sumalpok sa sasakyan; rider patay

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 12, 2024 11:35 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - Patay ang isang motorcycle rider matapos mag-counterflow at sumalpok sa kasalubong na sasakyan sa Skyway Stage 3 sa Quezon City.  

Ayon sa kuha ng Skyway Corp, pa-northbound sana ang lalaki nang mag-counterflow ito sa Balintawak Skyway Stage 3.  

Sinubukan ng traffic enforcer na pigilan ang rider pero nilagpasan ito ng motorista hangga't sa sumalpok siya sa isang sasakyan.  

Sa lakas ng pagkakabangga, tumalsik ang rider.

ADVERTISEMENT

Lumabas sa imbestigasyon na lango sa alak ang motorcycle rider. Nasa 80 kilometers per hour din ang takbo nito, lagpas sa 60 kph na speed limit, ayon sa Skyway Corp.  

Dinala sa ospital ang lalaki, pero pumanaw rin kalaunan, ayon sa isang police report. 

Nagtamo naman ng minor injuries ang driver at babaeng pasahero ng sasakyan na nakabanggaan ng motorsiklo. 

Pinalalaahan ng mga awtoridad ang publiko na sumunod sa batas-trapiko.

“Una po sa gumagamit ng motorcycle, kailangan po natin ng tamang helmet, safety gears. Yung pag-counterflow, hindi po ina-allowed yan, talagang no, no po yan,” ani P/Capt. Jun Cornelio Estrellan ng Highway Patrol Group. 

 


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.