Koreano nanaksak ng alagang aso ng kainan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Koreano nanaksak ng alagang aso ng kainan

Karen De Guzman,
ABS-CBN News
Published Mar 11, 2024 12:06 PM PHT
|
Updated Mar 11, 2024 07:28 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Duguan at wala nang buhay nang linisan ng mga tauhan ng isang kainan ang alaga nilang aso na si Ericka matapos pagsasaksakin ng isang Korean national sa Malate, Maynila nitong Sabado.

Bago mangyari ang insidente, kita sa CCTV ng barangay na kinagat ng isang pagala-galang aso ang Koreano.

Nilapitan siya ng may-ari ng kainan at tinulungan para hugasan ang tinamo nitong sugat.

Maya-maya pa’y lumabas ito bitbit ang isang kutsilyo na kinuha mula sa kainan at saka nilapitan ang aso na si Ericka.

“Syempre natakot ‘yung mga tauhan dun, lapitan ‘yun kasi nga may panaksak. Ang mali lang nung Koreano, ibang aso ‘yung sinaksak niya. Hindi ‘yung kumagat sa kanya,” sabi ni Anthony Rodejo, Team Leader tanod ng Barangay 699.

“E syempre maraming tao run, nagalit sa kanya. May ibang nanakit na hindi na natin mapigil kasi emosyon ng damdamin bilang concerned citizen kasi naawa sila dun sa aso e,” dagdag ni Rodejo.

Apat na tama ng saksak ang tinamo ng aso na kumitil sa buhay nito.

Ayon sa pulisya, nairita umano ang Koreano nang marinig ang mga nagtatahulan na aso paglabas ng kainan.

Posible umanong napagbalingan nito ng galit si Ericka.
Posible umanong napagbalingan nito ng galit si Ericka.
ADVERTISEMENT
“Apparently nairita itong suspek natin. So dun mismo sa grill house na ‘yun kumuha siya ng kutsilyo at sinaksak niya itong aso. Ito ay alaga noong mga nandun,” ayon kay PBGen. Arnold Thomas Ibay, District Director ng MPD.

Agad inaresto ang suspek na dinala muna sa pagamutan para maturukan ng anti-rabies.

Paliwanag ng suspek, may naiwan siyang susi sa kalye nang kagatin nang naunang aso. At nang kukunin na niya ito ay bigla umano siyang inatake ng dalawang pang aso.

Hindi rin niya alam na kutsilyo ang nadampot niya bilang pang depensa.

“I go there again but I’m worried that they’ll bite me again. So I brought anything. I thought it’s not a knife. I just use it as a defense. Then, I got my key. Two (dogs) attacked me,” depensa ng suspek.

“Hindi naman tama na saktan natin ‘yung aso. Kahit ‘yun pa ay nakagat tayo, ang gagawin natin dun, huhulihun natin ‘yung aso, i-impound natin, at oobserbahan natin kung meron siyang sakit,” sabi ni PBGen. Ibay.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District ang Koreano na mahaharap sa mga reklamong paglabag sa The Animal Welfare Act of 1998 at kasong Malicious Mischief.