2 'notorious' snatchers, timbog sa Maynila | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 'notorious' snatchers, timbog sa Maynila

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Kalaboso ang dalawang lalaki na itinuturing na notorious snatchers sa Sta. Ana, Maynila nitong Linggo ng madaling-araw.

Ayon kay PCpt. Renato Ramento, hepe ng SIDMB-Sta. Ana Police Station, sunod-sunod ang serye ng mga nakawan nitong mga nakaraang linggo kung saan ang dalawa ang itinuturong nasa likod ng mga krimen.

“Ang modus ng mga ito ay nakasakay sila sa motor, manggagaling sa likod at biglang hahablutin ‘yung mga bagay na cellphone at mabilis na nakakatakas,” sabi ni Ramento.

“Itong mga suspek natin ay mga notorious na talaga ‘to, mga pabalik-balik na sa kulungan. Tulad ng ginawa nila, ganun din ‘yung mga kaso nila previously, pagnanakaw po,” dagdag ni Ramento.

ADVERTISEMENT
Kalimitan na mga biktima umano ng mga suspek ay ang mga nagtatrabaho sa gabi at mga estudyante na pumapasok nang maaga.

“Mga record na nagrereklamo ay malapit dito sa Sta. Ana, Mandaluyong, Makati, saka Pasay,” ayon kay Ramento.

Sa pamamagitan ng mga CCTV, natunton ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng mga suspek kung saan narekober ang ninakaw na cellphone.

Kinumpiska rin ng mga ito ang ginamit na motorsiklo ng mga suspek sa pagnanakaw, mga helmet, at jacket bilang ebidensya sa krimen.

Depensa ng mga suspek, unang beses lang nila itong nagawa dahil wala silang trabaho at nakainom sila nang gawin ang pagnanakaw.

Na-inquest na ang dalawang suspek na nahaharap sa reklamong robbery-snatching.