Babaeng nagbebenta ng fake Philhealth ID online timbog | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babaeng nagbebenta ng fake Philhealth ID online timbog

Babaeng nagbebenta ng fake Philhealth ID online timbog

Raya Capulong,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILAArestado sa operasyon ng PNP Anti-Cybercrime Group sa Quezon City, ang isang babae na nagbebenta ng pekeng Philhealth identification card online.

Sa imbestigasyon, napag-alamang negbebenta pala ng pekeng Philhealth identification card online ang suspek sa halagang P500.
 
Nag-ugat ang operasyon ng PNP-Anti-Cybercrime Group nang magreport ang empleyado ng PhilHealth sa kanila hinggil sa iligal na aktibidad ng suspek.
 
"One week na minamanmanan ng ating team sa northern district na kung saan nakita nga nila itong suspek na nagbebenta ng fake Philhealth IDs...base sa imbestigasyon ng ating team ginagawa nya lang ito na parang sideline," sinabi ni PNP Anti-Cybercrime Group Cyber Response Unit Chief PCol. Jay Guillermo sa panayam sa Camp Crame, Quezon City, Miyerkoles ng hapon.
 


Lumitaw din sa imbestigasyon na pati ang mga bumibili ng pekeng PhilHealth ID ay posibleng sangkot din sa mga iligal na gawain online.
 
"Normally ang mga bumibili ng fake identification ito yung mga gustong gumagawa ng kalokohan sa internet.... sa mga illegal activities tulad ng scam," sabi ni Guillermo.
 
Nakumpiska sa suspek ang 5 pekeng Philhealth ID at cellphone.
 
Pinaghahanap naman ng mga pulis ang iba pa nyang posibleng kasabwat.
 


"'Yung nahuli natin base sa imbestigasyon wala syang kakayanan to produce na ganong karaming ID... So meron yang gumagawa so its either dahil yung presyo ng benta nya ay P500, ang bili nya doon sa pinagkukunan nya e P200, meron syang P300 so 'yan ang gusto nating hanapin para mapigilan yung ganitong gawain," ani ni Guillermo.
 
Mahaharap ang suspek sa reklamong falsification of public documents at paglabag sa Cybercrime Prevention Act.

ADVERTISEMENT


RELATED VIDEO

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.