Pulis na umaming nakapatay umano ng kapuwa pulis, iniimbestigahan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis na umaming nakapatay umano ng kapuwa pulis, iniimbestigahan

Camp Bagong Diwa sa Taguig ang headquarters ng National Capital Region Police Office

MANILA — Iniimbestigahan na ng Taguig City Police Station (CPS) ang rebelasyon umano ng isang opisyal na may may nabaril at napatay siyang kapwa pulis dahil kalaguyo umano ito ng kanyang misis na miyembro rin ng pulisya.

Nangyari umano ang pamamaril sa loob mismo ng kanilang quarters sa National Capitol Region Police Office headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig nitong Huwebes, Nobyembre 28.

Base sa report, nahuli umano ng opisyal ang biktima na kasiping ang asawa.

May ranggong police lieutenant colonel ang suspek, habang kapuwa police executive master sergeant (PEMS) ang misis nito at umano'y kalaguyo.

ADVERTISEMENT
Ayon sa report ng NCRPO, kusang sumuko ang opisyal bandang 4:23 p.m. kahapon, Disyembre 4, kay acting Regional Headquarters Support Unit chief Police Lt. Col. Norware Tambara.

Agad din itong inimbestigahan ng Taguig CPS.

“This is with regards to the yung voluntary surrender ng isang active PNP member natin na naka-assign sa Eastern Police District, this has something to do doon sa reported incident naman ng pamilya [ng biktima] kung saan accordingly ay missing person 'yung kaso na ito,” sabi ni Police Col. Joey Goforth, hepe ng Taguig CPS.

“Of course [ongoing] pa rin yung investigation namin, may follow-up kami, we cannot divulge yung updates ng investigation namin kasi nga as of now we are still verifying yung mga revelations niya,” dagdag niya.

Sa imbestigasyon, November 28 dumating sa Maynila ang biktima mula sa Palawan para umattend umano ng district meeting ng kanyang organisasyon.

At sa follow-up operation ng Taguig CPS, nakitang nag check-in sa isang hotel na malapit sa Lower Bicutan ang biktima at nakita sa CCTV na lumabas siya patungong Camp Bagong Diwa.

Giit ng Taguig CPS, patuloy nilang bineberipika at kinukumpirma ang mga rebelasyon ng opisyal.

Kasama rin aniya sa kanilang iniimbestigahan at person of interest ang misis ng opisyal.

“Right now hindi pa ako makapagbigay ng motive kasi sabi ko nga lahat naman ng sinabi niya is hindi pa rin verified,” sabi ni Goforth.

“In fact nag-conduct na rin kami ng investigation sa kanyang rented apartment and doon mga katabi niyang kapitbahay wala po silang narinig at that time na may pumutok na baril, kaya we are still verifying kung ano po yung sinabi niya,” dagdag niya.

Patuloy naman hinahanap ang katawan ng binaril umanong pulis dahil wala umanong ebidensya na lumabas siya ng Camp Bagong Diwa, ayon sa hepe ng Taguig police.

“Yes, as of now missing pa rin siya,” sabi ni Goforth.

Pagpasok ng Disyembre inireport umano ng mga kaanak ng biktima na nawawala ito.

Samantala, nasa kustodiya ng RHSU sa Bicutan ang sumukong pulis.