Artistang si Ken Chan sinilbihan ng arrest warrant sa kasong syndicated estafa | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Artistang si Ken Chan sinilbihan ng arrest warrant sa kasong syndicated estafa

MANILA — Walang inabutan ang mga otoridad nang puntahan ang bahay ng aktor na si Ken Chan para isilbi ang arrest warrant laban sa kanya umaga nitong Biyernes, Nobyembre 8.

Walang tumanggap sa warrant nang ihain ito sa tahanan ni Chan sa loob ng isang subdibisyon sa Barangay Tandang Sora, Quezon City.

“There is a pending case of Mr. Ken Chan along with 7 other co-accused and there is a pending warrant for their arrest, ngayon pong umaga ini-try pong i-serve ng ating law enforcement team yung warrant na iyon na in-issue ng korte, ang kaso po ay syndicated estafa,” sabi ni Atty Joseph Noel Estrada, abogado ng isa sa mga nagreklamo kay Chan.

“Meron pong investment scam na naging basehan po nung complaint at nakitaan ng piskalya na maiakyat po sa korte, makasuhan ng syndicated estafa si Ken Chan kasama yung co-accused,” dagdag niya.

Dagdag ni Estrada, si Chan umano ang humingi sa kanyang kliyente ng nasa P14 milyon. Para umano ito isang restaurant business at pinangakuan ng malaking buwanang interes na 10 percent na kita ang kanyang kliyente.

“Hindi porke ang isang korporasyon ay registered with the SEC ay puwede po silang mag-solicit ng investments from the public, you should get a permission also from the SEC on that. So ito pong korporasyon na ito ay ginamit para makahingi ng pera,” sabi ni Estrada.

Pero bigla umanong nawala sina Chan at nagsara ang negosyo kaya’t nagkaroon ng kaso.

Ayon pa kay Estrada, ito na ang ikalawang pagkakataon na naghain sila ng arrest warrant laban kay Chan. Una itong isinilbi noong Setyembre.

“Mensahe lang naman niya [ng aking kliyente] is kung talagang wala siyang kasalanan, harapin niya yung kaso, better na lang na harapin niya yung kaso kasi hindi rin matatapos ito ng hindi niya hinaharap eh,” sabi ni Estrada.

Sinubukan ng ABS CBN News na kuhanan ng pahayag ang kampo ni Chan pero wala pa umanong pahintulot na maglabas ng statement ang law office na may hawak ng kaso ng aktor.

Sumailalim sa preliminary investigation ang reklamo noong 2023. Niresolba ito ng prosecutor at nakitang may basehan na isampa ang reklamo. Dito nakitaan ng “reasonable certainty of conviction” para sa syndicated estafa.

Non-bailable ang kasong kinahaharap ni Chan at mga kapwa nito mga akusado.