FACT CHECK: Walang ABS-CBN report tungkol sa isang bagong online casino app ng PAGCOR | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Walang ABS-CBN report tungkol sa isang bagong online casino app ng PAGCOR

FACT CHECK: Walang ABS-CBN report tungkol sa isang bagong online casino app ng PAGCOR

ABS-CBN Investigative and Research Group

Clipboard

FACT CHECK: Walang ABS-CBN report tungkol sa isang bagong online casino app ng PAGCOR

Hindi totoo at manipulado ang diumano’y ulat ni ABS-CBN news anchor Karen Davila tungkol sa isang bagong bukas na online casino application ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR.

Sa manipuladong video na iniupload ng Facebook page na “AGamsolt,” makikita si Davila sa karaniwang setup ng programang TV Patrol. Ngunit mapapansin na hindi tugma ang buka ng kanyang bibig sa kanyang sinasabi.

Sa nasabing video, inilapat at ginamit ang boses ni Davila gamit ang deepfake technology upang palabasin na sinasabi niya ang mga ito: “Ang pinakamalaking kumpanya ng casino sa Pilipinas, PAGCOR, ay naglunsad ng sariling online na application EEEJL casino.”

Sa isang press release noong Hulyo 20, 2023, inanunsyo ng PAGCOR ang plano nitong maglunsad ng sariling online casino na tatawaging “casinofilipino.com.” Balak itong buksan sa publiko sa unang tatlong buwan ng 2024. Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas ang PAGCOR na bagong anunsiyo tungkol dito.

Kung hahanapin sa Google ang website na “casinofilipino.com,” tanging “casinofilipino.ph” lang ang lumalabas sa mga resulta. Ang “casinofilipino.ph” ang opisyal na website ng Casino Filipino, ang chain ng land-based casinos – o hindi online casino – na pinamamahalaan ng PAGCOR.

Sinubukang hingan ng pahayag ng ABS-CBN Fact Check ang PAGCOR ngunit hindi pa sila sumasagot.

Ang manipuladong video ni Davila ay nilapatan din ng mga eksena mula sa selebrasyon ng ika-40 anibersaryo ng PAGCOR na ginanap noong Hulyo 11, 2023.


Sa ginamit na eksena kung saan pinasinayaan ang bagong logo ng PAGCOR, pinatungan ang nasabing bagong logo ng logo ng EEEJL at Gibraltar-based online casino platform na Pragmatic Play.

FACT CHECK: Walang ABS-CBN report tungkol sa isang bagong online casino app ng PAGCOR

Hinihikayat ng pekeng ABS-CBN news report na i-download ang nasabing online application. Sa nakalapat na teksto sa video, makikita na makakukuha diumano ng libreng P188 ang sinumang magdadownload ng app. Kapansin-pansin din na mali ang spelling ng “PLAY” sa nakalapat na teksto.

Ang nasabing online application na “EEEJL” ay wala sa mga nakalistang “brand/online gaming platform” na pinapatakbo ng mga accredited service provider o lisensyadong online casino, base sa listahan ng PAGCOR.

Base naman sa Google search, maraming uniform resource locator (URL) ang may “EEEJL” gaya ng “eeejl.net,” “eeejl.ph,” at “eeejl.com.” Wala rin ang mga URL na ito sa listahan ng mga nakarehistrong domain or URL sa PAGCOR.

Sa pamamagitan ng isang tawag, kinumpirma ng PAGCOR sa ABS-CBN Fact Check na kumpleto at updated ang listahan sa kanilang opisyal na website na may petsang Oktubre 10, 2024.

Sa ngayonumabot na sa 1.2 million views, 467 commentsat 2,500 reactions ang manipuladong video na ipinost noong Oktubre 16, 2024. Iniupload din ang parehong video sa Facebook page na Javen Stephens ngunit burado na ito.

Hindi ito ang unang beses na minanipula ang mga video ng mga reporter at anchor ng ABS-CBN News.

Ugaliing kumuha ng mga impormasyon sa lehitimong website ng ABS-CBN News at mga opisyal na social media account gaya ng YouTube, Facebook, X (dating Twitter), at Instagram.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulolarawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.comX (dating Twitter) account @abscbnfactcheck.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.