Mag-live-in partner, arestado matapos umanong manloob ng establisimyento sa Quezon City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mag-live-in partner, arestado matapos umanong manloob ng establisimyento sa Quezon City

MAYNILA — Balik-kulungan ang isang lalaki at babae matapos mahuli umanong nanloob ng isang establisimyento sa FPJ Avenue sa Quezon City.

Ayon sa pulisya, mag-live-in partner ang mga suspek.

Kita sa CCTV sa ikalawang palapag ng establishment noong Linggo ng gabi na nag-iikot ang lalaki at tila may hinahanap. Maya-maya pa, makikitang tinatangay ng lalaki ang CPU ng isa sa mga computer.

Ayon sa pulisya, kinaumagahan nang makita ng may-ari na wala na ang padlock sa pintuan.
Ayon sa pulisya, kinaumagahan nang makita ng may-ari na wala na ang padlock sa pintuan.
ADVERTISEMENT
“Na-discover nila pagpasok nila sa umaga na yung establishment nila pinasok and nalaman nila may mga nawalang gamit particularly parte ng machinery nila,” sabi ni PLt. Col. Jewel Nicanor, station commander ng Masambong police.

Naaresto sa hot pursuit operation ng pulisya ang mag-live-in partner sa Araneta Avenue sa Quezon City, Lunes ng hapon.

“As part of the investigation naka-recover po tayo ng mga CCTV recordings where in na-identify po natin kung sino po yung suspek natin. So, nagpursigi po ang ating follow up operatives to conduct a hot pursuit operation, at naaresto po natin kinahapunan yung dalawang suspek na base sa CCTV ay sila naman po talaga ang pumasok sa establishment,” sabi ni Nicanor.

Nabawi sa suspek ang mga ninakaw na gamit kabilang na ang bahagi ng CPU at ilang parte ng printing machine na may kabuuang halaga na P123,000.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na ito na ang pang-apat na beses na makukulong ng lalaking suspek.

“Yung lalaki po natin tatlong beses na po siya nahuli sa istasyon natin, particularly violation ng RA 9165, illegal drugs at dalawang beses na rin siyang nahuli because of cable theft,” sabi ni PLt. Col. Nicanor.

Ang babaeng suspek, dati nang naaresto dahil sa pagsusugal, ayon sa pulisya.

Aminado ang lalaki na nagawa niya ang krimen habang itinanggi ng babae na may kinalaman siya dito.

“Nagawa ko lang po yon dahil sa hirap ng buhay dahil sa pangangalakal lang din namin, wala kami makuha pangkain… Nilagare ko po yon [establisimyento],” sabi ng lalaking suspek.

Sabi naman ng babaeng suspek, “Tumayo po kasi noon tapos hinanap ko siya, so hindi ko siya nakita. Pagyuko ko ganon nakita ko, ‘Ano ginagawa mo diyan?’ Sabi ko, ‘Lumabas ka diyan. Hindi ka lalabas dyan?’ As in minura ko siya nung time na yon.”

Nasampahan na ang dalawa ng reklamong robbery.