Lalaking nagkakape sa Caloocan, patay matapos pagbabarilin ng nakasama sa kulungan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking nagkakape sa Caloocan, patay matapos pagbabarilin ng nakasama sa kulungan

Lalaking nagkakape sa Caloocan, patay matapos pagbabarilin ng nakasama sa kulungan

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

Clipboard

CALOOCAN — Dead on the spot ang 55-anyos na si alyas Juanito matapos na pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Barangay 14 madaling araw nitong Lunes, Nobyembre 18.

Ayon sa nakakita sa krimen, nagkakape umano sa lugar si alyas Juanito nang may humintong motor at pinaputukan ang biktima.

“Nagulat na lang din po ako nung biglang may nagpaputok. Bigla po binaril, may huminto pong motor, apat lang po narinig kong [putok,]” ayon sa witness.

Sa imbestigasyon ng PNP, apat na tama ng bala sa likod mula sa kalibre 9mm na baril ang tinamo ng biktima.

ADVERTISEMENT

Tila alam na rin umano ng biktima na may masamang mangyayari sa kanya simula pa noong Setyembre.

“Nakita natin 'yung cellphone hawak nung biktima and upon checking mayroon dying declaration na nakalagay doon na if ever may mangyari sa kanya hanapin natin si Henry… ‘kapag may nangyari sa akin, kung mamatay ako si alyas Henry lang ang hanapin’ [sabi ng biktima],” ayon kay P/Capt. Mikko Arellano, commander ng Sub Station 4 ng Sangandaan, Caloocan.

Sa backtracking ng mga awtoridad, nakita na patakas sa lugar ang isang lalaking sakay ng pulang motorsiklo. At sa tulong ng mga nakakita at impormante, natukoy ang gunman.

Agad na pinuntahan ang mga posibleng tinutuluyan nito sa Pampano at Maya-maya St. sa Barangay Longos, Malabon. Dito inabutan ng mga pulis ang asawa ng suspek.

“Upon verification sa person of interest natin, pinuntahan natin [at] nandoon din 'yung motor na ginamit,” ani Arellano.

ADVERTISEMENT

“Inamin na rin ng misis niya kung ano ang ginawa ng asawa niya at makikipagtulungan daw sa pulisya sa agarang ikareresolba ng kaso,” dagdag niya.

Natunton sa Mabalacat, Pampanga ang suspek at dito na siya tuluyang naaresto sa hot pursuit operation ng mga operatiba.

Lumalabas naman na may matagal nang alitan ang suspek at biktima at nagsimula ito noong nagkasama sa kulungan ang dalawa.

Nakakatanggap na rin ng banta sa buhay si alyas Juanito, ayon sa anak nito.

“Nagbanta nga daw po sa kanya 'yung tao na 'yan, ilang beses, pati po sa mga message nababasa rin kasi namin, may threat nga po na ganyan,” sabi ng anak ng biktima.

ADVERTISEMENT

“Sabi po sa akin ng kapatid ng tatay ko onsehan nga raw po sa pinagbabawal na droga ganun po,” dagdag niya.

Dagdag ng PNP, may dati nang kaso ng murder, illegal possession of firearms at nakulong dahil sa iligal na droga ang suspek. Dati na rin naman nakulong dahil sa droga ang biktima.

“Matagal nang hidwaan 'yung dalawang partido, nagpapalitan na sila ng parinigan, at the same time nagpuputukan na talaga nagbabarilan sila,” sabi naman ni Arellano.

Hindi naman umano pinagsisisihan ni alyas Henry ang nagawa at sinabing pinagtanggol lang umano niya ang sarili.

“Bale magkasama kami sa loob nun eh, madalas kaming nagtatalo, pagkalaya ko sinabi niya na may gamit daw siya inaabangan niya na ako tapos pinutukan ako kasama anak ko,” sabi ni alyas Henry.

ADVERTISEMENT

“Hindi naman po siguro, dahil kasi kaysa ako mamatay, inunahan ko na lang po,” dagdag niya.

Nahaharap sa reklamong murder ang suspek na nasa kustodiya na ng Caloocan City Police. Patuloy namang hinahanap ng awtoridad ang ginamit na baril ng suspek sa pamamaslang.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.