Estudyante patay, 3 sugatan sa pananaksak sa Caloocan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Estudyante patay, 3 sugatan sa pananaksak sa Caloocan

Nakunan ng video ang eksena pasado alas-12 ng tanghali Biyernes sa labas ng isang public school sa Brgy. 172, Caloocan City.

Isang Grade 10 na lalaki ang makikitang winawasiwas ang kutsilyo habang may isang estudyante na umiilag dito.

Ayon sa ilang testigo, nauna umanong nam-bully ang isang suspek sa isang biktimang estudyante sa loob ng eskwelahan.

Ang biktima, tumawag ng mga kasamahan para mag-abang umano sa labas ng eskwelahan at gumanti sa suspek. Pero wala silang kaalam-alam na ang inaabangang suspek ay may dala palang kutsilyo.

ADVERTISEMENT
"May dalang kitchen knife yung suspek na Grade 10 initially dala niya. Nagpapanood niya sa TV pang self-defense," ayon kay P/Capt. Romel Caburog ng Caloocan City PNP.

Nakunan rin ng video ang iba sa mga miyembro ng grupo na sinasabing nasa Grade 10 at Grade 11 ay tinatangkang hampasin at sipain ang mga kaaway na estudyante.

Oras ng labasan ng mga estudyante kaya't marami ang nakakita ng gulo.
May mga nakakuha rin ng video ng pagtakas ng mga estudyanteng kasama sa gulo. Ang isa sa kanila ay duguan pa ang damit.

Nakunan rin ang isang estudyanteng nakahandusay at duguan sa kalsada.

Agad naaresto ang isang Grade 10 student na sangkot umano sa pananaksak. Ayon sa kanya, agaw umano sa electric fan sa loob ng classroom ang pinagmulan ng kanilang alitan.

"Nahuli ng barangay, naka-detain kakasuhan ng homicide," ayon kay Caburog.

"Dalawang beses ko siya tinanggalan ng kutsilyo sa bag. Sabi ko anak bakit may ganito? Selfe-defense po nanay," ayon sa ina ng suspek.

Isang estudyante ang namatay sa insidente. Tatlo naman ang kritikal ngayon sa ospital.