FACT CHECK: ‘Di totoo ang ABS-CBN report tungkol sa pag-aresto kay Bo Sanchez | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: ‘Di totoo ang ABS-CBN report tungkol sa pag-aresto kay Bo Sanchez

ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Nov 13, 2024 06:06 PM PHT

Peke at manipulado ang diumano’y report ng ABS-CBN News tungkol sa pag-aresto sa awtor at preacher na si Bo Sanchez, taliwas sa isang sponsored post sa Facebook.

May caption ang nasabing sponsored post na “The allegations against Bo Sanchez have been confirmed.” Kalakip ng sponsored post ang isang nagpapanggap na ABS-CBN News site na diumano’y may artikulo tungkol kay Sanchez.

Gumamit ang post ng manipuladong larawan na nagpapakita sa awtor na hawak umano ng mga pulis. Nakalapat sa ibabaw ng manipuladong larawan ang tekstong “BO SANCHEZ DIDN'T KNOW THE MICROPHONE WAS ON, WE SAY GOODBYE TO HIM FOREVER”.

Sa ibaba ng pekeng artikulo ng ABS-CBN News nakalagay ang link na “news.abs-cbn.com” at ang tekstong “Read this now.What happened to Bo Sanchez.” Tama ang nakalagay na link ngunit hindi ito dumidirekta sa ABS-CBN News website.

Sa Facebook at Instagram post, pinabulaanan ni Sanchez ang manipuladong larawan.

“This fake news made me happy. Biruin mo? The scammer chose me?” mababasa sa post ni Sanchez. “It means only one thing: Sikat na ako!”

Hindi ito ang unang beses na ginamit ang ABS-CBN News sa mga peke at manipuladong content na ipinapakalat online.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X (dating Twitter) account @abscbnfactcheck.

Read More:
Bo Sanchez
ABS-CBN Website
ABS-CBN Fake Website
misinformation
disinformation
fact check