Riding-in-tandem na nang-holdup ng 2 Japanese national sa Makati, kalaboso | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Riding-in-tandem na nang-holdup ng 2 Japanese national sa Makati, kalaboso

Riding-in-tandem na nang-holdup ng 2 Japanese national sa Makati, kalaboso

Jessie Cruzat,

ABS-CBN News

Clipboard

Nahuli ang dalawang suspek sa isang dragnet operation ng Makarti police. Southern Police District handout photo

MAYNILA — Arestado ang dalawang lalaki na nasa likod umano ng pangho-holdup sa dalawang Japanese national sa kahabaan ng Don Chino Roces Avenue sa Barangay Pio Del Pilar sa Makati City.

Ayon sa Southern Police District, nangyari ang pangho-holdup nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 7, at nahuli ang mga suspek Biyernes ng umaga, Nobyembre 8.

Naglalakad umano sa gilid ng kalsada ang mga biktima nang lapitan ito ng mga suspek sakay ng motorsiklo.

Tinutukan ng baril ng isa sa mga suspek ang mga biktima sabay pag-deklara ng holdup, ayon sa pulisya.

ADVERTISEMENT

Nakuha mula sa mga biktima ang isang gadget at 10,000 yen o katumbas ng halos P4,000.

“After nila mag-report, dinescribe nila ‘yong gamit na motor, ‘yong suot, at ‘yong helmet na gamit ng ating mga suspek. Nakapagbigay sila ng detailed na information tungkol doon sa dalawang suspek,” ayon kay PMaj. Hazel Asilo, tagapagsalita ng Southern Police District.

Sa isinagawang dragnet operation ng mga awtoridad, nahuli ang mga suspek malapit sa pinangyarihan ng insidente.

“Siguro naghihintay pa ng panibagong biktima itong ating mga suspek kasi nandoon pa rin sila. Umiikot pa rin sila sa location kaya nag-match ‘yong binigay na identifying markers ng victims kaya nakuha natin sila,” saad ni PMaj. Asilo.

Narekober mula sa mga suspek ang ginamit nilang motorsiklo, isang kalibre 9mm na baril at isang peke na baril.

Itinanggi ng isa sa mga suspek ang paratang sa kanila.

“Wala kaming baril. Wala kaming ginawa,” sabi ng 23-anyos na suspek.

Karamihan umano sa target ng mga suspek ay mga foreign national.

“Hindi lang ito ‘yong unang beses na ginawa nila ito. May grupo sila na sa ngayon ay aming inaalam pa kung sino pa ‘yong nga miyembre ng grupong ito,” dagdag ni Asilo.

Napag-alaman na may mga kaso na rin ng pagnanakaw ang mga suspek noong 2017 at 2022 sa National Capital Region.

Nakapiit ang dalawang suspek sa Makati City Police Station na mahaharap sa kasong robbery at illegal possession of firearms.

IBA PANG ULAT



ADVERTISEMENT

COMELEC says 60% of ballots for midterm polls already printed

COMELEC says 60% of ballots for midterm polls already printed

Dennis Gasgonia,

ABS-CBN News

Clipboard

Workers conduct the the Final Testing and Sealing (FTS) of Ballots, Local Absentee Voting (LAV) Ballots, Overseas Voting (OV) Ballots, Official Ballots (OB) for Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) and CARAGA, BARMM Parliamentary Election Ballots, and Mock Election Ballots at the National Printing Office, North Diliman, Quezon City on January 15, 2025. Maria Tan, ABS-CBN NewsWorkers conduct the the Final Testing and Sealing (FTS) of Ballots, Local Absentee Voting (LAV) Ballots, Overseas Voting (OV) Ballots, Official Ballots (OB) for Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) and CARAGA, BARMM Parliamentary Election Ballots, and Mock Election Ballots at the National Printing Office, North Diliman, Quezon City on January 15, 2025. Maria Tan, ABS-CBN News

MANILA -- The Commission on Elections (COMELEC) said they have already printed 60 percent of the ballots needed for the upcoming 2025 Midterm Elections.

COMELEC Chairman George Garcia expects the printing to be done by March 20.

"Sa 72 million lumalabas meron na tayong more or less lumalabas na 44 million na naiimprenta na namin at ang aming timeline more or less baka hanggang March 20 ay matatapos po natin ang imprenta ng balota," he said in a interview on Teleradyo Serbisyo.

"'Yun namang verification ng ating mga balota, manual at automated verification ay ating matatapos more or less April 14 naman."

ADVERTISEMENT

Garcia said they managed to keep themselves on track despite a series of temporary restraining ordered they faced in relation to the official list of candidates.

"Dahil sa mga naiset up na strategy at contingency measures, kumabaga nakagawa kami ng paraan na maka-average kami ng 1.5 million hanggang 1.7 million na balota per day," he said.

ILLEGAL CAMPAIGN MATERIALS

Meanwhile, Garcia said he is counting on the local level to go after political candidates putting up campaign materials beyond the designated areas.

The COMELEC has previously conducted "Oplan Baklas" to take down illegal campaign posters and tarpaulins at the start of the 90-day campaign period.

"Ang ipinakita natin nung simula ay highly symbolic na talagang hindi naming papayagan na illegally posted campaign materials," he said.

"Yung mga sumunod an araw hindi na kami nagpapaikot Ikot para tanggalin ng mga pinaglalagay nila kaya sila'y ating sinusulatan... 'yung mga local Comelec natin ay sumusulat sa mga kandidato na may pagkakalaking taurpaulin o campaign materials na nasa maling lugar. Sila po ay kanya kanya nang patanggal."

Anyone who fails to follow the order will face charges or be disqualified from running.

"Kinakailangan makapagturo ayo ng leksyon by filing cases against them," he said.

In the case of local candidates, whose campaign period will begin on March 28, Garcia said he will leave it to the hands of the local government units. 

"Dapat yung mga LGU ang mga papatupad ng kanilang ordinansa sa mga iligal na mga materyales," said Garcia.

RELATED VIDEO:



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.