Babae sa Laguna na pumagitna sa away, patay sa suntok ng live-in partner | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babae sa Laguna na pumagitna sa away, patay sa suntok ng live-in partner

LAGUNA — Patay ang isang 53-anyos na babae matapos masuntok umano sa batok habang umaawat sa away ng kanyang live-in partner at anak sa Barangay Aplaya sa Santa Rosa, Laguna noong Biyernes, November 8.

Kinilala ng mga kaanak ang biktima na si Lita Moreno, nanay sa pitong kaanak at residente sa lugar.

Ayon kay Police Lt.Col. Benson Pimentel, chief of police ng Santa Rosa City, nakainom ang 50-anyos na suspek at kalaunan nakaaway at nakasuntukan niya ang 19-anyos na anak ng biktima, sa labas ng kanilang bahay.

Doon umano pumagitna ang biktima, dahilan kaya siya na ang nasuntok ng suspek.
Doon umano pumagitna ang biktima, dahilan kaya siya na ang nasuntok ng suspek.
ADVERTISEMENT
Naisugod pa sa ospital ang biktima pero kalaunan ay namatay din.

"Agad niya ito ikinatumba at isinugod siya sa ospital dahil nagsusuka na siya. Pagdating sa community hospital, mga ilang oras pa siyang humihinga pero na-declare siyang dead matapos ang dalawang oras higit," sabi ni Pimentel.

"Doon na bumalik ang pamilya at anak na bunso at ate doon sa bahay at dinulog sa barangay tanod at inabutan pa ang suspek na natutulog," dagdag niya.

Lumabas din sa imbestigasyon ng pulisya na ilang beses na ring inireklamo ang suspek dahil umano sa paninilip niya sa mga babaeng anak ng biktima habang sila ay naliligo.

Nang tanungin naman ang suspek hinggil sa krimen, sinabi niya na madalas daw sila mag-away ng anak ng biktima.
Nang tanungin naman ang suspek hinggil sa krimen, sinabi niya na madalas daw sila mag-away ng anak ng biktima.
ADVERTISEMENT
"Nakipag-inuman ako sa tito niya, sinuntok ako rito...Humihingi ako ng tawad, kung patawarin po nila ako. Talagang wala naman po akong kasalanan," sabi ng suspek.

Hustisya naman ang hiling ng mga kaanak ng biktima lalo na't naulila niya ang pitong anak.

"Nawalan ng ina ang mga anak, na hindi dapat dahil menor de edad pa ang 'yung bunso. So, second to the last menor de edad po at nakaranas sila hindi magandang pakikisama doon sa kinakasama ng ina nila," sabi ni Christine Silverio, kaanak ng biktima.

"Masakit sa amin... Bigyan lang ng hustisya ang nangyari sa kanya. yung lang po ang amin hiling, manghingi lang kami ng tulong, konting suporta lang."
Nakakulong na sa Santa Rosa Police Station ang suspek na mahaharap sa reklamong Homicide.