Suspek sa pamamaril sa kapwa Chinese sa Makati, tukoy na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Suspek sa pamamaril sa kapwa Chinese sa Makati, tukoy na

Tukoy na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na sangkot sa pamamaril ng kapwa nilang Chinese sa loob ng isang kainan sa Makati City.

Nakunan ng CCTV ang plate number ng sasakyang ginamit ng dalawa para makatakas.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Zi An” at alyas “Bao Long” na positibo ring itinuro ng mga testigo.

“‘Yun lang po muna sa ngayon. Para hindi po makompromiso ang isinasagawang manhunt operation ng ating intelligence at operatiba po,” ayon kay P/Capt. Jenibeth Artista, PIO Chief ng Makati Police.

ADVERTISEMENT
“Lumabas na rin po sila sa area ng Makati po,” dagdag niya.

Problema sa negosyo ang tinitingnang angulo ng mga pulis sa krimen.

Pero ayon sa barangay, posibleng may kinalaman ito sa POGO dahil kalapit lang ng naturang gusali ang isang POGO hub sa lugar.

Agad din nilang binirepika kung may kaukulang permit ang kainan.

“Hindi ako masyadong aware [na may ganung kainan]. Nagulat ako. Atlhough talagang legit naman. Kasi may permit ang city hall,” sabi ni Kap Resty Cajes ng Barangay Dan Antonio, Makati City.

“Baka kasama sa POGO mga ganun. Siguro baka ang pera labanan,” dagdag niya.

Sinubukan ng ABS_CBN News na kunin ang pahayag ng live-in partner ng biktima na testigo rin sa krimen.

Tumanggi siyang humarap sa camera pero sinabing hindi niya personal na kakilala ang mga suspek at blangko rin siya sa motibo sa pamamaril.

“Dahil rin sa sensitibong insidente na ito, ang Makati police ay nakikipag-ugnayan sa Chinese embassy upang matiyak ang tamang impormasyon at suporta,” sabi ni Artista.

Patuloy na tinutugis ng pulisya ang mga suspek at nangangalap ng mga CCTV para matunton ang kanilang lokasyon.