Mga Pinoy sa Brunei, nagboluntaryo para sa World Animal Day | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga Pinoy sa Brunei, nagboluntaryo para sa World Animal Day

Mga Pinoy sa Brunei, nagboluntaryo para sa World Animal Day

Annalyn Mabini,

TFC News,

Brunei

Clipboard

BRUNEI - Nagsama-sama sa  pagboboluntaryo ang mga Pilipino sa Brunei sa “Paws Up” Volunteer Day sa paglilinis ng dog shelter noong October 14 na inorganisa ng United Filipino Social Club o UFSC. 


Bahagi ito ng pagdiriwang ng World Animal Day na taunang selebrasyon na may layong itaas ang antas ng kalagayan at pag-aalaga sa mga hayop sa buong mundo.


Lumahok din sa nasabing event ang Embahada ng Pilipinas sa Brunei na kinatawan ni Consul Bernadette A. Mendoza.


Nagtulong-tulong din ang mga Pilipino sa pagbibigay donasyon at pagkain para sa mga aso sa shelter na naggkakanlong sa mahigit 100 rescued dogs.

ADVERTISEMENT


Patuloy ang pagsuporta ng embahada sa mga programang nagsusulong ng pagkakaisa at pagmamalasakit na sumasalamin sa katangian ng mga Pilipino bilang mapag-alaga at mapagmalasakit sa mga hayop.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.