Mas magandang panahon asahan sa bisperas ng Bagong Taon: PAGASA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mas magandang panahon asahan sa bisperas ng Bagong Taon: PAGASA

Mas magandang panahon asahan sa bisperas ng Bagong Taon: PAGASA

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 08, 2019 01:22 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inaasahang makararanas na ang bansa ng mas mabuting panahon sa Lunes, bisperas ng Bagong Taon, ayon sa state weather bureau na PAGASA.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio, nakalabas na nitong Linggo ng Philippine area of responsibility (PAR) ang low-pressure area na dating si bagyong Usman.

Pero ayon kay Aurelio, maaaring makaranas ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan ang Luzon dahil sa hanging amihan.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang inaasahan sa Cagayan Valley at Aurora habang maulap na kalangitan na may mga mahinang pag-ulan ang inaasahan sa Metro Manila, Calabarzon at natitirang bahagi ng Luzon, ani Aurelio.

ADVERTISEMENT

Magiging maaliwalas na ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa pero may posibilidad pa rin ng isolated thunderstorms, ani Aurelio.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.