Lalaki patay matapos gulpihin sa Maynila nitong Pasko | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki patay matapos gulpihin sa Maynila nitong Pasko

Karen De Guzman,
ABS-CBN News
Published Dec 26, 2023 07:26 AM PHT
|
Updated Dec 26, 2023 07:39 AM PHT

Patay ang isang lalaki matapos pagtulungang gulpihin sa Sampaloc, Maynila sa mismong araw ng Pasko.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumabas na pumagitna lang ang biktimang si Molan Villamor matapos ireklamo ang kaniyang kainuman na nambastos umano sa isang babae.

Hawak na ng pulisya ang 4 sa 5 suspek, kabilang ang babae na sinasabing nabastos ng kainuman ng biktima nang mapadaan ito sa Sulucan Street.

Nahuli ng CCTV ang nangyaring komosyon nang puntahan ng grupo ni Villamor ang babae para humingi ng dispensa.
Nahuli ng CCTV ang nangyaring komosyon nang puntahan ng grupo ni Villamor ang babae para humingi ng dispensa.
ADVERTISEMENT
“Sa gitna ng kanilang usapan, bigla na lang may nanuntok doon sa ating biktima. Afterwards, sumuntok at sumipa na rin ‘yung iba pa nating mga suspek, kasama na rin ‘yung babae na diumano nabastos ng grupo ng biktima,” ayon kay PCpt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District homicide division.

Sinubukan pa umano ng babae na hampasin ng bote ng alak ang biktima at tinadyakan pa ito habang nakabulagta na ang lalaki sa kalsada.

Depensa ng babae, nadala lamang siya ng kaniyang emosyon.

“Sa sobrang galit din po kasi tinawanan din po ako ng lalaki na ‘yun e,” sabi ng babae.

Sinabi naman ng isa pang suspek na hindi nila intensyon na patayin si Villamor.
Sinabi naman ng isa pang suspek na hindi nila intensyon na patayin si Villamor.
ADVERTISEMENT
“Dinipensahan ko lang din po ‘yung sarili ko, sobrang gulo na rin po kasi noong time na ‘yun. Hindi naman po namin kagustuhan na mangyari ‘yun,” ayon sa suspek.

Nananawagan naman ng hustisya ang mga kaanak ni Villamor na labis ang pagdadalamhati ngayon.

“Napakasakit. Hindi naman niya kasalanan ‘yun parang gusto lang niya humingi ng pasensya. Tapos doon pa siya napahamak, ayon kay Darwin Domingo, testigo at pinsan ng biktima.

“Hindi namin matanggap. Gusto po namin ng hustisya dahil sobrang bait ng tito ko,” panawagan ni Pattrece Villamor, pamangkin ng biktima.

Patuloy ang pagtugis ng pulisya sa isa pang suspek na nakatakas matapos ang insidente.
Patuloy ang pagtugis ng pulisya sa isa pang suspek na nakatakas matapos ang insidente.
ADVERTISEMENT
Hinihintay rin nila ang resulta ng autopsy examination na isinagawa sa katawan ng biktima.

Nagpaalala naman ang MPD sa publiko ngayong holiday season kung saan kabi-kabila ang inuman.

“Kung sakali man iinom tayo, moderate lang. At the same time, ‘wag natin ilagay sa ulo, ilagay natin sa tiyan,” ayon kay PCpt. Turla.