2 pulis, 2 sundalo kabilang sa 6 na insidente ng illegal discharge of firearms | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 pulis, 2 sundalo kabilang sa 6 na insidente ng illegal discharge of firearms

Raya Capulong,
ABS-CBN News
Published Dec 25, 2023 06:32 PM PHT

MAYNILA — Umakyat na sa 6 na insidente ng illegal discharge of firearms ang naitala ng Philippine National Police kung saan isa ang sugatan batay sa kanilang datos ngayong December 25.

Ayon kay Police Col. Jean Fajardo, acting OIC ng PNP Public Information Office, kabilang sa nasangkot sa insidente ang 2 pulis at 2 sundalo.

Nasamphan na sila ng reklamo at kinumpiska na rin ang kanilang mga baril.

"Doon sa 2 kaso wherein may 2 pulis na nainvolve, yung isa ay accidental firing ng kanyang sariling baril," ani Fajardo.

"Yung isa ay problema sa pamilya na una natin nai-report," dagdag nito.

Yung dalawang sundalo naman daw ay "may mga sigalot na nakasangkutan" at na-aresto na.

Hindi naman nakita kung sino ang nagpaputok sa dalawa pang insidente ng illegal discharge of firearms sa Marikina at sa Pangasinan, kung saan may isang 19-anyos ng lalaki ang nasugatan.

Sa imbestiagsyon ng PNP, nasugatan sa hita ang biktima matapos na may nagpaputok ng 3 beses.

Naisugod ang biktima sa ospital habang nakatakas naman ang hindi nakilalang salarin.
Naisugod ang biktima sa ospital habang nakatakas naman ang hindi nakilalang salarin.
ADVERTISEMENT
"'Yung isa ay nangyari sa San Manuel, Pangasinan. Hindi nila nakita yung nagpaputok at nakita nila yung mga basyo ng mga baril na ginamit na parehong .45 caliber."

Sa kabila nito hindi pa rin ipatutupad ng PNP ang pagselyo ng baril ng mga pulis ngayong holiday season.

Nakapagtala rin ang PNP ng 7 insidente ng illegal firerackers, kung saan 8 ang naaresto kaugnay rito.