300 pamilya apektado ng baha, malalaking alon sa Pola, Oriental Mindoro | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

300 pamilya apektado ng baha, malalaking alon sa Pola, Oriental Mindoro

300 pamilya apektado ng baha, malalaking alon sa Pola, Oriental Mindoro

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Malalaking alon ang naminsala sa bayan ng Pola, Oriental Mindoro sa gitna ng pagsalubong sa Pasko.

Nawasak ang mga bahay, resort at bahay sa mga barangay ng Bayanan, Batuhan, Pula Zone 1 at Zone 2 bunsod ng malalakas na alon.

Binaha rin ang maraming barangay, dulot na rin ng malakas na ulan.

"Umapaw ang tubig sa dike. Though malaki na ang dike, umapaw pa rin ang tubig. Lumaki 'yong baha," ani Pola Mayor Jennifer Cruz.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Cruz, 300 pamilya ang apektado ng baha at malalaking alon, na nahatiran na ng relief goods.

Hindi nakaligtas sa hampas ng alon ang mga kubo sa resort ni Leonido Maamo.

"Bago mag-alas-10 ng gabi, sobra talagang lakas ng alon hanggang 11:30 ng gabi. 'Yon po lahat ng pundasyon noong aming cabana, lumutang po talaga," ani Maamo.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.