‘Pandemya,’ napiling Salita ng Taon 2020 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Pandemya,’ napiling Salita ng Taon 2020

ABS-CBN News
Published Dec 19, 2020 08:33 PM PHT
|
Updated Dec 20, 2020 06:29 PM PHT

MAYNILA — Ang salitang “pandemya“ ang hinirang na salita ng taon ngayong 2020 sa ginanap na “Sawikaan: Salita ng Taon Edisyong Pandemya” ngayong Sabado.

Naging batayan sa pagpili ng salita ngayong taon ang lalim ng pagkakasaliksik sa salita, paano ito naging makahulugan ngayong taon, at kung gaano ito kasikat o madalas na nagagamit hindi lang sa social media kundi sa mga nababasa, napapanood at sa personal na talakayan.

Dinepensahan ng mga kalahok nang virtual ang partikular na salita na kanilang isinali.

Ayon kay Prof. Zarina Joy Santos, ang nagpresenta para sa salitang "pandemya," ang pandemya ang ugat ng lahat ng mga salitang isinali sa presentasyon, na ginawa sa pamamagitan ng webinar.

Ang “pandemya” ang pinakamalaking salita na may pinakamalalim na kahulugan at pinaka may kabuluhan, ayon kay Santos. Dagdag niya, napakalaki ng epekto nito sa buong mundo at lahat ng tao ay naapektuhan nito.

Hindi bago ang salitang pandemya pero marami umano ang hindi naging handa sa pagdating nito. Socially at medically relevant din daw ang salita dahil sa pandemya umikot ang mundo ngayon at nagpahinto ng maraming bagay sa buhay ng tao hindi lang dito sa Pilipinas.

RELATED STORIES:
Labis ang tuwa ng propesor sa kaniyang pagkapanalo pero panawagan niya sa lahat na maging handa anumang oras dahil maaaring sa ibang siglo o panahon ay magkaroon na naman ng pandemya.

Ang kanyang premyo ay P3,000 at gift pack.

Ang second placer na salita ay ang “social distancing” na entry ni Prof. Yol Jamendang.

Pinakita raw ng salita ang tunay na pagbabago sa buhay kung gaano kahirap na malayo sa kapwa lalo na’t siya ay namatayan ng asawa noong Agosto.

Dagdag niya, kinailangan niya ng damay mula sa mga kaanak at kaibigan pero dahil sa social distancing ay hindi nangyari ito kaya mas lalong masakit para sa kanya ang pinagdadaanan ngayong taon.

P2,000 naman ang premyo ni Jamendang.
P2,000 naman ang premyo ni Jamendang.
Ang ika-3 salitang nanalo para sa Salita ng Taon ay “contact tracing” na entry ni Romeo Pena.

Tinatawag pa lang daw na “nCoV” ang COVID-19 ay alam na ang salitang contact tracing at lahat ng tao ay saklaw nito saan man magpunta.

Dahil din sa salita ay nagkaroon ng contact tracing czar sa katauhan ni Baguio Mayor Benjamin Magalong. Nagbigay trabaho din ito sa marami dahil sa kinuha ng Department of the Interior and Local Government na contact tracers para mas mapabilis ang paghahanap ng mga posibleng nahawaan ng coronavirus.

Ang kagandaan pa daw nito ay naka-develop ng contact tracing application na naging sistimatiko para kay Pena. Nanalo si Pena ng P1,000.

Nagpasalamat naman ang ibang kalahok dahil napili ang kanilang entries at nabigyan sila ng pagkakataong ipaliwanag at ipagtanggol ang kanilang entry.

Bukod sa mga salitang pandemya, contact tracing, at social distancing nakabilang din ang mga salitang 2020, ayuda, blended learning, quarantine, testing, virus at webinar sa mga pinagpilian bilang Salita ng Taon.

Taong 2004 nang magsimula ang Sawikaan, na layong subaybayanang mga pagbabago at pag-unlad ng wikang Filipino sa mga panlipunan at kultural na diskurso.

Panoorin ang naturang webinar dito.
Panoorin ang naturang webinar dito.
— Ulat ni Wheng Hidalgo, ABS-CBN News
Read More:
pandemya
Salita ng Taon
Salita ng Taon 2020
Sawikaan
Prof. Zarina Joy Santos
Tagalog news
patrolph
COVID-19
COVID-19 pandemic
webinar
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT