Bukod sa face mask: Pagsusuot ng face shield sa labas ng bahay iminandato na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bukod sa face mask: Pagsusuot ng face shield sa labas ng bahay iminandato na

Bukod sa face mask: Pagsusuot ng face shield sa labas ng bahay iminandato na

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 15, 2020 08:22 PM PHT

Clipboard

Isang babae ang nakasuot ng face shield habang nakapila sa labas ng Jose Fabella Memorial Hospital noong Oktubre 23, 2020. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MANILA — Minamandato na rin ng pamahalaan ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar, maliban pa sa face mask, para maagapan ang pagkalat ng COVID-19.

Bago nito, sa mga establisimyento at iba pang matataaong lugar kinakailangan magsuot ng face shield.

"It is here to stay hanggang tayo po ay mabakunahan at hindi naman po siguro magrereklamo na mahal dahil P5 na lang po ang face shield ngayon," ani Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Martes.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ngunit, sa bentahan sa mga mall o tindahan, ang face shield ay nagkakahalagang P25 pataas, depende sa klase ng shied.

ADVERTISEMENT

Ang IATF ang nagpasa ng resolusyon, na nagsasabing kailangang naka-face shield pagkalabas ng bahay.

"As soon as you leave your house, wear face shield," giit ni Roque.

Ang parusa umano ay depende na sa lokal na pamahalaan, dagdag niya.

Ibinaba ang bagong utos ilang araw bago ang Pasko, kung kailan inaasahan ang paglobo ng kaso ng COVID-19.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.