Babaeng pulis arestado sa pagtanggap ng suhol | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babaeng pulis arestado sa pagtanggap ng suhol

Michael Delizo,
ABS-CBN News
Published Dec 15, 2018 04:14 AM PHT

MAYNILA - Arestado ang isang babaeng pulis nang tumanggap ng mamahaling relo, bag at pera sa isang babaeng naaresto dahil umano sa illegal recruitment at estafa.

Naaktuhan ang pagtanggap ni SPO1 May Ann Malcontento ng Anti-Transnational Crime Unit ng bag na may halagang P34,000, relo na P3,000, at P50,000 na marked money sa ikinasang entrapment operation sa Quezon City nitong Biyernes.

Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ni Sonia Gaba na hiningan umano ng mga naturang suhol para hindi sumailalim sa entrapment operation ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group.

Dating naaresto si Gaba at nakasuhan ng illegal recruitment at estafa, pero kalaunan ay nabasura din ang illegal recruitment case sa korte.

Nasa kustodiya na ng PNP-Counter Intelligence Task Force ang suspek at inihahanda ang mga kasong isasampa sa kaniya.

Tauhan ng Anti-Transnational Crime Unit ng PNP, huli sa entrapment operation nang tumanggap ng mamahaling bag, relo at cash (š·: CITF) pic.twitter.com/YZyg54eKoP
ā Michael Joe Delizo (@michael_delizo) December 14, 2018