Gordon, napagbintangang 'sinolo' ang Dengvaxia hearing | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Gordon, napagbintangang 'sinolo' ang Dengvaxia hearing

ABS-CBN News
Published Dec 15, 2017 10:35 PM PHT

Bumuhos ang reaksiyon ng mga netizen nitong Huwebes sa itinakbo ng Dengvaxia hearing sa Senado na dinaluhan ni dating Pangulo Benigno "Noynoy" Aquino.

Pero ang naging trending sa social media, ang maangas umano na pamumuno ni Senador Richard Gordon.

Partikular na kinainisan ng netizens ang tila pagsosolo ni Gordon sa diskusyon, kung saan makailang ulit nitong pinutol ang pagtatanong ng mga kapwa senador at mga resource person.

Sa pitong oras na hearing ng komite, dalawang tanong lang ang naibato ng co-chair ni Gordon na si Senador JV Ejercito, at dahil pa ito sa pagpunta ni Gordon sa banyo.

ADVERTISEMENT
Ang ibang senador, aminadong hirap makapagtanong sa gitna ng pagdinig.

"Hopefully we will have a chance to ask our questions thoroughly when another hearing is called," giit ni Senador Francis Pangilinan.

"Dapat maging mas participatory at mas democratic 'yung hearing...Hindi kailangang paalalahanan na ang inquiry ay in aid of legislation at 'yun din ang layunin naming lahat, hindi lamang [ni Gordon]," ani Senador Risa Hontiveros.

"We need to give other members more time to propound other questions...Walang masama kung pag-uusapan namin as a whole kung ang mga committees ay napapatakbo nang tama," suhestiyon naman ni Senador Sherwin Gatchalian.

Pero tingin ni Gatchalian, "agresibo" magtanong si Gordon para mayanig ang mga inimbitahan at magsabi ng totoo.

Para naman kay Gordon, hindi lang talaga naiintindihan ng marami kung paano dapat dalhin ang pagdinig ng Senate blue ribbon committee.

Iginagalang rin daw niya ang opinyon ng mga netizen.

"I can understand when people would say we were leading the charge…You know if they can do a better job--I did not ask for the blue ribbon committee--they can have it," ani Gordon.

Wala na raw balak si Gordon na pabalikin pa sa pagdinig sina Aquino at dating mga miyembro ng Gabinete na sina Paquito Ochoa at Janette Garin.

Inuungkat ng Senado ang isyu sa pagbili ng bakunang Dengvaxia ng Sanofi Pasteur matapos matuklasang maaaring malagay sa mas malalang peligro ang mga naturukan na hindi pa nagkakaroon ng dengue.

--Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT