Lolo sa Iloilo tinuklaw ng ahas habang natutulog | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lolo sa Iloilo tinuklaw ng ahas habang natutulog
ABS-CBN News
Published Dec 12, 2021 01:13 PM PHT

Tinuklaw ng ahas ang isang lolo habang natutulog sa loob ng kaniyang bahay sa Barangay San Isidro, Jaro, Iloilo City, madaling araw ngayong Linggo.

Kinilala ang biktimang si Jerry Jacosalem, 67.

Ayon kay Felix Doreza, kapitan ng barangay, habang natutulog ang biktima ay unang tinuklaw ng ahas ang kaniyang ulo.

Nang maramdaman ng biktima ang ahas ay tinabig niya ito gamit ang kaniyang kamay. Pero ang kaniyang kanang kamay naman ang tinuklaw ng ahas.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga opisyal sa barangay at kaagad na rumesponde sa lugar si Ricky Sonza, isang barangay tanod at snake hunter.

Matapos mahuli ni Sonza ang ahas ay kaagad nitong isinilid ang hayop sa sako at ibinigay sa Jaro police para maiturn-over sa Department of Environment and Natural Resources.

May habang 10 talampakan ang ahas, at may bigat na higit sa 7 kilo.

Ayon kay Doreza, ang nahuling ahas ay isang uri ng Burmese python at non-venomous.

Para masiguro ay kaagad naman na pumunta sa Animal Bite Center ng lungsod si Jacosalem para mabakunahan.

— Ulat ni Rolen Escaniel
KAUGNAY NA ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT