Duterte, hiling sa Kongreso ang pagpapalawig ng martial law; minorya, tutol | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Duterte, hiling sa Kongreso ang pagpapalawig ng martial law; minorya, tutol

ABS-CBN News
Published Dec 12, 2017 07:54 PM PHT
|
Updated Dec 12, 2017 11:39 PM PHT

Sa ikalawang pagkakataon, muling nanligaw ng suporta ng Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte para palawigin ang umiiral na batas militar sa Mindanao na magwawakas na sana sa Disyembre 31 ngayong taon.

Ito'y kahit idineklara ng pamahalaan noong Oktubre na tapos na ang bakbakan sa gitna ng tropa ng gobyerno at mga terorista sa Marawi City, na naging bunsod ng pagdedeklara ng martial law sa buong Mindanao noong Mayo 23.

Sa liham ng Pangulo sa Kongreso, hiling niya na pahabain pa ang batas militar hanggang sa buong 2018 dahil hindi pa umano ganap na ligtas ang Mindanao mula sa banta ng mga sumusunod na grupo:

- Da’awatul Islamiyah Waliyatul Masriq
- Turaifie group
- Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)
- Abu Sayyaf group (ASG)
- New People’s Army (NPA)

Hiling ni Duterte, palawigin ang martial law sa Mindanao hanggang Disyembre 31, 2018.
Hiling ni Duterte, palawigin ang martial law sa Mindanao hanggang Disyembre 31, 2018.
ADVERTISEMENT
Sina Executive Secretary Salvador Medialdea at iba pang security officials ng Duterte administration ang nagbigay ng closed-door briefing Martes sa mga mambabatas ukol sa mga panibago umanong banta.

Ang Kongreso ang may kapangyarihan na aprubahan o tanggihan ang hiling ng Pangulo.

“Kailangan natin [i-extend] because time is of the essence. Ngayon na mahina 'yung ISIS (Islamic State), i-apply na natin lahat kaysa mag-antay ka na naman ng panahon para magpalakas sila," ani National Security Adviser Hermogenes Esperon.
Kuwento ng menorya ng Senado, dalawa raw sa binigyang-diin ng security officials sa paghiling ng pagpapalawig ng martial law ang napadaling trabaho ng militar at pagpabor dito ng mga sibilyan.

Pero giit ng oposisyon, hindi kabilang ang mga ito sa mga basehang itinakda ng Konstitusyon para payagan ang martial law.

“From what we heard, it’s a psychological advantage; our security forces want teeth in enforcing the law. [But] the threat of a continuing rebellion, to us, is not a sufficient ground. A threat is different from an actual armed uprising," ani Senate Minority Leader Franklin Drilon.

"Naniniwala tayo na hindi ito ang intensyon ng sulat ng Saligang Batas... We believe the basis of declaring martial law and extending it for one year ay hindi naaayon sa batas,” dagdag ni Senador Francis Pangilinan.

Depensa naman ng mga opisyal ng pamahalaan, mas alam ng militar ang sitwasyon sa pinangyayarihan ng rebelyon.

"I do not think so, that's the call of the AFP (Armed Forces of the Philippines) and the PNP (Philippine National Police). They should know because they are on the ground," paliwanag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

"There is an uprising. What do you call it when you are trying to establish a wilayah (Islamic province)... establishing another form of government and, in effect, you would be denying government in its governance efforts," giit naman ni Esperon.

Mas 'posibleng' paboran ng SC
Si Albay Rep. Edcel Lagman naman, nakikita nang matatalo ang oposisyon sa magaganap na botohan sa joint session para sa martial law extension sa Miyerkoles.

Pero hindi pa raw doon magtatapos ang kanilang laban.

Hindi pa man lumalabas ang resulta, naghahanda na aniya sila sa ihahaing petisyon sa Korte Suprema.

“Definitely, this time, I think we have a better chance of having the action of Congress annulled by the SC," ani Lagman.

Nauna nang pinalawig ng Kongreso noong Hulyo ang paunang deklarasyon ng Pangulo ng 60-day martial law.

--Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT