Mga bangkay ng 2 nawawalang mangingisda, nahanap na | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga bangkay ng 2 nawawalang mangingisda, nahanap na

Mga bangkay ng 2 nawawalang mangingisda, nahanap na

Lady Stephanie Vicencio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 11, 2016 02:50 PM PHT

Clipboard

Bangkay nang nahanap Linggo ng umaga ang dalawa sa pitong mangingisdang nawawala mula Barangay Cato sa Infanta, Pangasinan.

Kinilala ang mga nakuhang bangkay na sina Christopher Mongje at Junjun Amor.

Noong Biyernes, tumulak ang isang grupo ng mangingisda para hanapin ang mga kasama.

Nagpadala ng isa pang bangka para sunduin ang mga bangkay matapos silang makitang palutang-lutang sa dagat, 92 milya ang layo mula sa Barangay Cato.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Johnel Pulido, isa sa mga nag-retrieve ng mga bangkay, naagnas na ang dalawang biktima dahil sa matagal na pagkakalubog sa tubig.

Walang Coast Guard na kasama ang mga mangingisda na lulan ng bangkang "John Paul II" para sa retrieval operation.

Naghihintay ngayon ang mga taga-Barangay Cato sa pagdating ng mga bangkay at umaasang buhay na makakauwi ang limang mangingisdang hindi pa rin nahahanap.

Nawala ang mga mangigisda matapos pumalaot noong Nobyembre 28 sakay ng bangkang "John Paul."

Sa kasalukuyan, limang mangingisda pa rin ang nawawala, na kinilalang sina Pedro Amor, Jomar Gamboa, Alfredo Bautista, Carding Mical, at isang kinilala sa pangalang "Jerry."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.