Paalala ng DOH: Huwag gumamit ng torotot, pito sa Bagong Taon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paalala ng DOH: Huwag gumamit ng torotot, pito sa Bagong Taon

ABS-CBN News
Published Dec 10, 2020 06:53 PM PHT

MAYNILA — Bukod sa paputok, pinaiiwas ng Department of Health ang publiko sa paggamit ng torotot o pito sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, madali kasing magkahawahan ng coronavirus disease kapag gumamit ng hinihipang paingay.

"Do not use noise makers that will transmit COVID-19 and diseases via saliva," ani Cabotaje,.

"Kahit nag-iingay tayo, kailangan naka-mask, dapat naka-face shield parati at distancing," dagdag niya.
"Kahit nag-iingay tayo, kailangan naka-mask, dapat naka-face shield parati at distancing," dagdag niya.
ADVERTISEMENT
Hinikayat naman ni Health Secretay Francisco Duque III ang publiko na maghanap ng mga alternatibo sa paputok at iba pang paingay.

Ilan sa mga maaaring alternatibo ang tambol, busina o pagpalakpak, ayon sa kalihim.

Magugunitang napagkasunduan kamakailan ng mga alkalde ng Metro Manila na i-regulate ang paggamit at pagbebenta ng fireworks sa pagsalubong sa 2021 dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

Nitong Huwebes, nakapagtala ang DOH ng 1,383 bagong COVID-19 cases, para sa kabuuang 445,540 kumpirmadong kaso sa Pilipinas.

Nauna nang nagbabala ang mga eksperto na maaaring tumaas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 kasunod ng holidays kung hindi susunod sa health protocols ang mga tao, tulad ng pagbabawal sa mass gathering at reunion.

Samantala, nanawagan din ang Bureau of Fire Protection sa publiko na maging maingat nitong holiday season.

Narito ang mga paalala ng bureau para sa ligtas na pagdiriwang:

- Gumamit lang ng mga electric decorations na aprubado ng DTI at gamitin ito ng akma.
- Patayin ang mga pailaw kapag matutulog na o aalis ng bahay.
- Ilayo ang mga saksakan ng pailaw sa mga bata.
- Huwag manigarilyo o maglagay ng ash tray, kandila malapit sa Christmas tree, kurtina at ibang dekorasyon na puwedeng pagmulan ng apoy.
- Ilayo ang mga madaling masunog na bagay sa mga saksakan at pailaw.
- Huwag mag-overload ng mga saksakan.
- Huwag mag-imbak ng paputok nang matagal.
- Huwag bigyan ng paputok ang mga bata.
- Huwag magpaputok malapit sa bahay o matataong lugar.
- Huwag sisindihang muli ang ano mang paputok na hindi sumabog.

-- Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Department of Health
paputok
torotot
pito
New Year
Bagong Taon
New Year 2021
Covid-19 pandemic
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT