SOCO: Waitress patay sa pananaksak ng kostumer | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SOCO: Waitress patay sa pananaksak ng kostumer

SOCO: Waitress patay sa pananaksak ng kostumer

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 08, 2018 04:48 PM PHT

Clipboard

Dead-on-arrival na sa pagamutan ang 41 taong gulang na waitress na si Aniceta Sialongo matapos pagsasaksakin ng isang lalaking kostumer sa pinagtatrabahuhang bar sa Tondo, Maynila noong Oktubre 2, 2018.

Kinilala ang suspek na si Roberto Nocos, 21, at tubong Davao.

Nadamay rin sa pananaksak ang kahera ng bar na si Celia Tamayo.

Naging matibay na ebidensiya ang CCTV footage sa lugar. Ito ang ginamit ng Manila Police District (MPD) para matunton ang suspek ilang minuto lang matapos ang krimen.

ADVERTISEMENT

Nang makapanayam ng media sa presinto, mariing itinanggi ng suspek ang mga akusasyon.

“Natutulog lang ako sa bahay. Bigla lang akong pinuntahan,” depensa ng suspek.

Dagdag ni Nocos, napilitan raw siyang umamin sa krimen dahil sa pananakit ng mga pulis.

Itinatanggi rin nitong nagpunta siya sa bar noong gabing iyon.

Ayon sa pulisya ay nagpakalbo agad ang suspek matapos gawin ang krimen, pero hindi naman nakalimutan ng mga witness ang mukha nito.

Panoorin ang buong kuwento sa “SOCO: Scene of the Crime Operatives” ngayong Sabado, Disyembre 8 sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang detalye, sundan ang “SOCO: Scene of the Crime Operatives” sa Facebook (fb.com/SOCOtv) at Twitter (@SOCOtv).

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.