Imam patay sa pamamaril sa Baguio | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Imam patay sa pamamaril sa Baguio

Imam patay sa pamamaril sa Baguio

Michelle Soriano,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 25, 2019 04:37 PM PHT

Clipboard

BAGUIO CITY - Patay ang isang imam matapos pagbabarilin sa business district sa lungsod nitong Huwebes ng umaga.

Nakuhanan ng CCTV ang pamamaril kay Imam Bedejim Abdullah ng isang lalaking naka-jacket.

Sa isa pang CCTV, kita ang pagtakbo ng gunman papunta sa main road na hinabol pa ng mga residente doon.

“Nakita namin yung gunman. Naglakad dito. Hinabol namin hanggang sa baba sa maharlika. Doon pumasok na sa maharlika sa may underground. Tapos yung damit niya tinatanggal niya,” kwento ng isang driver na nakakita sa pangyayari.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Umabot hanggang sa Maharlika Livelihood Center ang habulan kung saan aksidente namang nabaril ng gunman ang isang saleslady sa binti.

Nagpapagaling pa sa ospital ang babae.

“Pagdating sa Maharlika, binitawan yung baril niya, pumutok. May nadamay na isang babae doon,” ayon kay SPO3 Jonathan Cawala ng Baguio City Police.

Anim na basyo ng bala at dalawang slug ang narekober sa crime scene.

Wala pang matukoy na motibo sa likod ng pamamaril.

Nagluluksa ang Muslim community sa pagkawala ng 55-anyos nilang imam.

Nakatakda ng ilibing sa Bulacan ang biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.