Bagyong Tisoy nag-iwan ng halos P2 bilyong pinsala sa agrikultura: DA | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bagyong Tisoy nag-iwan ng halos P2 bilyong pinsala sa agrikultura: DA

Raya Capulong,
ABS-CBN News
Published Dec 05, 2019 05:10 PM PHT
|
Updated Dec 05, 2019 05:27 PM PHT

MAYNILA — Aabot sa halos P2 bilyon ang halaga ng iniwang pinsala sa agrikultura ng bagyong Tisoy matapos nito hambalusin ang iba't ibang rehiyon sa Pilipinas.

Sa inisyal na datos na inilabas ng Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes, aabot sa 106,525 metric tons ang naging production loss ng mga magsasaka sa mga rehiyon ng Bicol, Calabarzon, Mimaropa, Central Luzon, at Western Visayas dahil sa bagyo.

Nasa 47,639 ektarya ng taniman naman ang nasalanta at 20,830 ang mga magsasakang naapektuhan.

Sumatutal, ayon sa DA, katumbas ito ng P1.93 bilyong halaga ng pinsala.

ADVERTISEMENT
Pinakanaapektuhang mga pananim ang mga palay at mais, habang naapektuhan din ang livestock at ibang agri-facilities.

Ayon sa DA, nakahanda na ang mga ipamamahaging ayuda sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda sa Bicol Region.

Nagkakahalaga ang ayuda ng P181 milyon para pambili ng palay, mais, high-value crops, livestock, coconut seedlings, credit fund, relief goods, at fishing paraphernalia.

Patuloy pa rin ang isinasagawang assessment at monitoring ng DA para matugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta.

Si Tisoy ang pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa ngayong 2019 at nag-iwan ng 13 patay sa huling tala.