Dagdag-singil sa PhilHealth, SSS contribution, hiniling na ipagpaliban | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dagdag-singil sa PhilHealth, SSS contribution, hiniling na ipagpaliban

Dagdag-singil sa PhilHealth, SSS contribution, hiniling na ipagpaliban

ABS-CBN News

Clipboard

Namumuro ang dagdag-kontribusyon sa SSS at PhilHealth. Pero para sa ilang grupo, dapat iurong ito ngayong may coronavirus disease (COVID-19) pandemic. ABS-CBN News

MAYNILA - Umaapela ang isang labor group at employer's group na huwag munang itaas ang kontribusyon sa Social Security System at PhilHealth sa susunod na taon dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Para sa grupong Kilusang Mayo Uno, "hindi makatuwiran” na magkaroon ng dagdag-presyo sa kontribusyon.

"Hindi makatuwirang idagdag 'yan o taasan with or without pandemic dahil sa totoo lang ho wala namang pagtaas ng sahod sa manggagawa at mayorya pa ng naka-empleyo natin ay pawang contractual," ani Jerome Adonis, Secretary-General ng grupo.

Sa ilalim ng batas, tataas ng 1 porsiyento ang kontribusyon ng SSS simula Enero 2021.

ADVERTISEMENT

Halimbawa, sa minimum wage earner, magiging P1,620 ang hulog mula sa dating P1,480.

Magiging P350 naman ang minimum na contribution ng PhilHealth pagdating ng Enero, mula sa P300.

Kumontra rin ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa dagdag-kontribusyon.

"Kahit na piso ay mahalaga, magdagdag ka ng gastos na 'yung mga kumpanya ay nagde-decide whether tutuloy o hindi, dadagdagan mo pa ang gastos, e siguradong maraming madi-discourage," ani ECOP chair Sergio Ortiz Luis.

Sa ngayon, wala pang binibigay na pahayag ang SSS at PhilHealth pero nasa batas ang taunang dagdag-kontribusyon.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.