Ulan na dala ng amihan nagdulot ng pagbaha sa Northern Samar | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ulan na dala ng amihan nagdulot ng pagbaha sa Northern Samar

ABS-CBN News
Published Dec 03, 2021 01:38 PM PHT

Nasa 15 pamilya ang apektado ng pagbaha sa Barangay San Jose sa Lope De Vega sa Northern Samar nitong Huwebes.

Pinasok ng tubig baha ang mga bahay kung saan napilitan ang ilang mga residente na lumikas sa mga kapitbahay na may matataas na bahay.

Ayon sa impormasyon mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, naranasan sa lugar ang walang tigil na pag-ulan na sanhi ng Northeast Monsoon o amihan.

Unti-unti namang humupa ang baha sa lugar.

ADVERTISEMENT
Sa Catarman, hindi naging sagabal para sa mga deboto ang pagbaha para isagawa ang prusisyon ng imaheng St. Joseph sa Barangay New Rizal.

Sinuong ng mga deboto ang baha para maihatid ang imahe ng santo sa katabing barangay ng Cal-igang.

- Ulat ni Ranulfo Docdocan
- Ulat ni Ranulfo Docdocan
Read More:
regional news
Lope de Vega
Northern Samar
Amihan
Northeast Monsoon
pagbaha
Northern Samar flood
Catarman
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT