Mga residente, bisita ng Pasig kailangang may PasigPass contact tracing app | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga residente, bisita ng Pasig kailangang may PasigPass contact tracing app

ABS-CBN News
Published Nov 28, 2020 07:35 PM PHT
|
Updated Dec 01, 2020 07:43 PM PHT

MAYNILA - Naglunsad ng contactless tracing app ang Pasig City kasabay ng pagluwag ng mga quarantine restriction.

Ito ang PasigPass, isang libreng app na kailangang i-download ng mga residente at mga bibisita sa lungsod.

Para magparehistro, dapat pumunta at mag-sign up sa website. Dito, hihingin ang mga impormasyon tulad ng pangalan, address, contact number at email address. Makakakuha ng QR code ang user pagkatapos.

Ayon sa Pasig City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) obligado ring magpatupad ang mga government office at private establishment ng “No PasigPass, No Entry” policy.

ADVERTISEMENT
"Halimbawa, pumunta ka sa isang establishment, during that time, may confirmed case kang nakasalamuha nang matagal, ia-alert ng sistema kami sa CESU na i-contact trace ang mga tao na nakasalamuha doon sa specific na oras.,” dagdag ng ahensiya.

Tuwing pupunta sa mga establisimyento, kailangang ma-scan ang QR code para maitala sa system na ang tao ay dumaan dito.

Hindi pinapapasok ang walang QR code.
Hindi pinapapasok ang walang QR code.
Pero may ilan namang negosyong hindi pa rehistrado, kaya pinapupunan pa rin muna ng contact-tracing form ang mga customer.

Kung walang smartphone, may help desk ang bawat barangay para doon i-register ang sarili at makakuha ng QR code na gagamitin sa pagpasok ng mga establisimyento.

Noong Oktubre, inilunsad din ng Valenzuela City ang kanilang contact-tracing app na ValTrace.

Sa ngayon, halos 100% na ng mga residente at establisimyento sa lungsod, may kani-kanilang QR code, ayon kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian.

Dahil iisa lang ang app developer ng Pasig, Valenzuela at Bocaue sa Bulacan, nasa proseso na ang pag-iintegrate sa system ng mga lokal na pamahalaan, para puwedeng isang QR code na lang ang gamitin sa tatlong lugar.

— Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Pasig
contact tracing app
Pasig City
PasigPass
Pasig City contact tracing app
TV PATROL
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT