2 utility worker ng CAAP kinilala sa pagsauli ng naiwang pera, gadgets sa airport | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 utility worker ng CAAP kinilala sa pagsauli ng naiwang pera, gadgets sa airport

RJ Rosalado,
ABS-CBN News
Published Nov 27, 2019 05:59 PM PHT
|
Updated Nov 27, 2019 10:27 PM PHT

Kinilala ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kanilang dalawang utility worker na nagsauli ng pera at gadgets na naiwan ng dalawang pasahero sa Zamboanga airport sa magkahiwalay na araw.

Ayon kay CAAP area manager Antonio Alfonso, nakita ng kanilang utility worker na si Gracelyn Alihuddin ang isang bag sa upuan ng arrival area noong buwan ng Oktubre.

Naglalaman ito ng P200,000 cash, cellphone, laptop at mga personal na dokumento. Agad dinala ni Alihuddin ang nakitang bag sa Aviation Police para mahanap ang pasaherong may-ari ng bag.

"In the course of cleaning, kasi naglilinis tayo every time, sa arrival, dumadaan ang mga tao, nililinis natin ang lugar, she discovered a left behind bag na may laman na ganyang bagay, then tinurn-over niya sa police para matulungan siya na maisauli sa may-ari,” sabi ni Alfonso.

Makalipas ang ilang minuto, naisauli rin ang bag sa may-ari nito na isang Chinese national.

Nitong Nobyembre 24 naman, may nakita ring isang bag ang utility worker na si Aaron Paul Villanueva sa departure area.

Naglalaman ng apat na mga bago at mamahaling cellphone at sunglasses ang bag. Agad din niyang ibinigay ito sa Malasakit Center para mahanap ang may-ari.

“Definitely, we will recognize these good deeds that our people are doing. This [is] also a way to bolster their, kumbaga, gaganahan pa sila na gumawa ng kabutihan,” dagdag ni Alfonso.

Umaasa si Alfonso na tutularan din ng iba nilang empleyado ang magandang ginawa nina Alihuddin at Villanueva na nanatiling tapat at hindi nasilaw sa pera at materyal na bagay.

Read More:
honest worker
Zamboanga airport
CAAP
Civil Aviation Authority of the Philippines
Tagalog news
Regional news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT