Panukalang isama ang devices sa wiretapping law, lusot sa Kamara | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Panukalang isama ang devices sa wiretapping law, lusot sa Kamara

ABS-CBN News
Published Nov 27, 2018 09:48 PM PHT
|
Updated Feb 10, 2020 02:42 PM PHT

Lusot na sa Kamara noong Lunes ang panukalang pagsusog sa Anti-Wiretapping Law ng bansa.

Walang kumontra nang bumoto ang 216 kongresista para aprubahan ang House Bill 8378 na layong emyendahan ang Republic Act 4200 o ang Anti-Wiretapping Law.

Kapag naisabatas, pasok na sa puwedeng i-wiretap ng mga awtoridad ang lahat ng uri ng komunikasyon, mapa-oral, wire, radyo, digital, o electronic private communication.

Puwede na ring i-wiretap ang mga mapaghihinalaaang sabit sa ilang krimen gaya ng ilegal na droga, kudeta, sabwatan para magkudeta, piracy, katiwalian, syndicated illegal recruitment, at money laundering.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairperson ng House committee on dangerous drugs, malaki ang maitutulong ng panukala sa paghahanap ng ebidensiya para sa korte.

"These are evidences that can be used in court and these will definitely hold water," ani Barbers.

Umalma naman ang ilang mambabatas mula sa oposisyon dahil parang panunupil raw ito sa kalayaan ng mamamayan.

"There are worries it would lead to martial law. An expansion of the wiretapping law would also fall into that trend," ani Akbayan party-list Rep. Tom Villarin.

"This would be an added weapon for the Duterte regime to suppress further our basic freedoms and rights and the privacy of the people," sabi naman ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao.

Pero nilinaw ni Barbers na hindi pinadadali ng panukala ang pag-wiretap dahil kailangan pa ring kumuha muna ng basbas ng korte.

Kailangan ding burahin ng mga kompanya ng komunikasyon ang mga rekord ng usapan na higit isang taon na maliban kung may utos ng korte.

Taong 2016 pa nakabinbin sa Senado ang bersiyon nito ng panukalang batas.

--Ulat ni RG Cruz, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
Kamara
House Bill 8378
Anti-Wiretapping Law
wiretapping
komunikasyon
Robert Ace Barbers
Tom Villarin
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT