Mga preso sa Bilibid nag-donate ng mga damit para sa mga nasalanta ng bagyo | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga preso sa Bilibid nag-donate ng mga damit para sa mga nasalanta ng bagyo

Mga preso sa Bilibid nag-donate ng mga damit para sa mga nasalanta ng bagyo

ABS-CBN News

Clipboard

Inipon ng mga nakakulong sa New Bilibid Prison ang kanilang mga lumang damit para i-donate sa mga binagyo sa Cagayan Valley. Jeck Batallones, ABS-CBN News

Nagkaisa ang mga preso sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City na ipunin ang kanilang mga lumang damit para i-donate sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses sa Cagayan Valley region.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Spokesperson Gabriel Chaclag, noong una ay gusto ng inmates na hindi kumain nang isang araw para i-donate ang matitipid na suplay sa mga nasalanta ng bagyo.

Pero hindi pumayag ang mga doktor sa BuCor, na namamahala sa Bilibid, kaya mga inipong lumang damit na lang ang ibinigay.

"In fact, nilabhan nila 'yon (mga damit)," ani Chaclag.

ADVERTISEMENT

Bukod sa mga lumang damit ng mga inmate, nag-donate din ng relief packs ang mga tauhan ng BuCor na dadalhin sa Cagayan ngayong Miyerkoles.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

Matapos magdala ng matinding ulan ang bagyong Ulysses sa maraming bahagi ng Luzon, nakaranas ng matinding pagbaha ang ilang lugar sa Cagayan Valley.

Marami sa mga residente ng mga binahang lugar ang umakyat sa bubungan ng kani-kanilang mga bahay para mag-abang ng rescue o ayuda.

Sinisi ng mga lokal na opisyal ang pagbaha sa tubig galing sa mga karatig-lugar na bumaba sa kanilang komunidad at sa pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam.

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.