Number coding ipatutupad sa Cavite sa 2018 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Number coding ipatutupad sa Cavite sa 2018

Number coding ipatutupad sa Cavite sa 2018

Zhander Cayabyab,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Dahil sa lumalalang traffic sa Cavite, mahigpit nang ipatutupad ang number coding scheme sa ilang kalsada sa lalawigan simula sa Enero 1, 2018, sabi ni Governor Boying Remulla, Linggo.

Matatandaang nitong Pebrero 2017 pa dapat naipatupad ang number coding o Unified Vehicular Reduction System, subalit sumalang muna ito sa konsultasyon at mga rebisyon.

Saklaw ng bagong implementing rules and regulations ng number coding ang mga pribadong kotse, van at trak, maliban sa mga may registration sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA), ayon kay Remulla.

Hindi aniya sakop ng number coding ang mga motorsiklo, mga pampublikong sasakyan tulad ng jeep at bus, school bus, gayundin ang mga emergency at government vehicles.

ADVERTISEMENT

Epektibo ang number coding mula alas-7 hanggang alas-10 ng umaga, at alas-3 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi, mula Lunes hanggang Biyernes.

Ipatutupad ito sa mga sumusunod na pangunahing kalsada:

- Aguinaldo Highway mula Bacoor hanggang Dasmariñas-Silang boundary
- Governor’s Drive mula Carmona hanggang Trece Martires City-Tanza boundary
- Molino-Salawag-Paliparan Road mula Zapote, hanggang Paliparan
- Molino Boulevard mula Aguinaldo Highway hanggang Molino-Salawag-Paliparan Road.

Gaya sa Metro Manila, bawal lumabas ang mga sasakyang nagtatapos sa 1 and 2 ang plate at conduction sticker number kapag Lunes, gayundin ang mga susunod na digits sa mga kasunod na araw.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.