Mga istruktura sa gilid ng Lion's Head sa Baguio binaklas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga istruktura sa gilid ng Lion's Head sa Baguio binaklas

Mga istruktura sa gilid ng Lion's Head sa Baguio binaklas

Micaella Ilao,

ABS-CBN News

Clipboard

Nasa 20 istruktura ang binaklas ng Department of Public Works and Highways sa gilid ng Lion's Head sa Baguio City para paluwagin ang kalsada. Handout/City Government of Davao

BAGUIO CITY - Binaklas nitong Miyerkoles ang nasa 20 istruktura sa gilid ng Lion’s Head sa Kennon Road para paluwagin ang kalsada.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), matagal nang pinagbibigyan ang mga nakapuwestong tindahan sa lugar.

Hiniling ng mga may-ari ng puwesto sa DPWH na bigyan sila ng extension hanggang sa Disyembre, pero hindi pumayag ang ahensiya.

“'Yung extension sa December 'di na ma-approve kasi nag-extend na kami more than a month. Mayroon silang request kahapon around 4 o'clock pero right away na dineny, kasi matagal na itong dapat na gagawin eh,” ani Rene Zarate, district engineer ng DPWH.

ADVERTISEMENT

Ang Lion's Head ay isa sa mga popular na tourist spots sa siyudad.

Ayon sa ahensiya, maaaring lumipat ang mga nawalan ng puwesto sa pasalubong center na katapat lang ng Lion’s Head.

Pero tumanggi silang lumipat dahil nangangambang baka malugi ang kanilang negosyo at mas delikado daw ang itinayong istruktura para sa kanila.

Ayon naman sa DPWH, sumailalim sa pagsusuri ang pasalubong center at tiniyak na ligtas ito mula sa pagguho.

Plano sanang paluwagin ang kalsada sa gilid ng Lion's Head para sa parking at sidewalk, at para maiwasan din ang pagsikip ng trapiko sa bahagi ng national highway papasok ng siyudad.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.