Kaso ng sexual abuse sa mga kabataan, tumataas: UNICEF | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kaso ng sexual abuse sa mga kabataan, tumataas: UNICEF

Kaso ng sexual abuse sa mga kabataan, tumataas: UNICEF

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 15, 2023 07:59 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Tumataas ang kaso ng online sexual abuse sa mga kabataan, ayon sa United Nations Children's Fund (UNICEF).

Isa rin ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamataas na kaso.

Biktima ng online sexual abuse at exploitation ang apat na menor de edad na magkakapatid sa Quezon City. Taong 2018, noong sila'y nasa edad 12, 10, 8, at 6 nang ma-rescue ng mga otoridad mula mismo sa sariling ina.

"Mga bata nag kwento kung ano ginagawa ng nanay yung mother ginagamitan sila ng sex toys tapos kinukunan ng video," paglalahad ni Leila Internino, Social Welfare Officer 1 ng Quezon City Social Services Development Department.

ADVERTISEMENT

Bukod sa nanay ng mga bata, isang dayuhan mula sa bansang Norway ang isa pang pangunahing suspek.

Hanggang ngayon dinidinig ang kaso sa QC RTC. Nakakulong ang ina ng apat na bata, habang sumasailalim naman sa counseling ng DSWD ang mga paslit.

Kahirapan umano ang katwiran ng ina ng mga bata kaya nagawa niya ang krimen. Pero hindi sang-ayon dito ang International Justice Mission. “It goes deeper, lack of morality, values. In our society where do we get our values? Family, church and education," saad ni Atty. Noel Roa Eballe, National Investigations and Law Enforcement Development ng International Justice Mission.

Sabi naman ng Norwegian Police, may mga nahuhuli sila sa kanilang bansa na mga suspek na nanloloko ng mga batang Pilipino.

“Since 2015 we have cases arrest of Norwegian perpetrator sending suspicious transaction to phils. We have chat logs abuse of children," sabi ng Norwegian Police representative na si Bente Manger.

ADVERTISEMENT

Kanina, nagsagawa na ng Anti-Online Sexual Abuse And Exploitation Of Children Conference dahil sa nakakabahalang kaso ng online sexual abuse ng kabataan sa Pilipinas, kung saan isa na ang ating bansa sa may pinakamataas na kaso nito.

Kasama sa dumalo ang mga kinatawan ng international police mula sa Australia at Norway, ilang opisyal ng PNP at Department of Justice.

Para naman sa Quezon City LGU, dapat simulan sa Sangguniang Kabataan ang kampanya kontra online abuses. "Train SK chairman SK kagawad. Should use funds allocated for the SK towards more productivve program in combating OSEC," sabi ni QC Mayor Joy Belmonte na kabilang din sa mga dumalo sa pagtitipon kanina.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.