ALAMIN: Mga karapatan ng bata sa panahon ng sakuna | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga karapatan ng bata sa panahon ng sakuna

ABS-CBN News
Published Nov 12, 2019 11:58 AM PHT
|
Updated Nov 12, 2019 12:12 PM PHT

MAYNILA - Bukod sa mga batayang karapatang pantao, may iba pang mga karapatan ang mga kabataan na naaayon sa batas, lalo na sa panahon ng sakuna.

Nakalista ito sa Republic Act 10821 o Children’s Emergency Relief and Protection Act na pumoprotekta sa mga bata sa panahon ng sakuna.

"Inuutusan [ng batas] ang ating mga LGUs na kailangang laging handa para maging tutok sa paghanda ng mga bata lalo na sa panahon ng kalamidad," ayon kay Atty. Noel Del Prado sa programang "Usapang de Campanilla" noong Lunes.

Inuutos ng batas na unahin ang pagsagip sa kabataan tuwing sakuna.
Inuutos ng batas na unahin ang pagsagip sa kabataan tuwing sakuna.
ADVERTISEMENT
Dapat din umanong binibigyang prayoridad ng mga social worker ang paghahanap sa mga magulang ng mga bata.

"Kung napahiwalay ang bata, unang hahanapin ng social workers ang pamilya. kasi ang pamilya ang pangunahin institusyon na magbibigay ng proteksiyon sa kaniya," ayon kay Del Prado.

Sa batas, kinakailangan ding may mga "safe spaces" ang mga bata para makapag-aral at makapaglaro.

Dapat ding abot-kamay ng bata ang mga batayang pangangailangan tulad ng pagkain at inumin.

May lugar din umano dapat sila sa evacuation centers para makapag-aral at makapaglaro.

Mandato rin sa batas ang pagbibigay ng psychosocial services lalo na sa mga batang na-trauma.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
DZMM
Usapang de Campanilla
karapatang pantao
social worker
safe spaces
evacuation centers
calamities
kalamidad
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT