Budget ng PNP para sa NTF-ELCAC, ginamit umano sa '13 milyong proyekto' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Budget ng PNP para sa NTF-ELCAC, ginamit umano sa '13 milyong proyekto'

Budget ng PNP para sa NTF-ELCAC, ginamit umano sa '13 milyong proyekto'

Robert Mano,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Nakapagsagawa umano ang Philippine National Police ng 13 milyong aktibidad ngayong taon gamit ang halos P1-bilyong pisong pondo mula sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sinabi ito ni Senator Sonny Angara na Chairman ng Senate Committee on Finance batay sa inabot sa kanyang report ni outgoing PNP Chief Guillermo Eleazar sa gitna ng budget deliberations ng Senado.

Batay sa nasabing report, nagkaroon ang PNP ng 12 clusters na nagsagawa ng ibat-ibang gawain sa mga komunidad gaya ng counter mobilization activities, sa pagbibigay ng suporta sa mga komunidad at sa pagmo-monitor ng galaw ng mga communist terrorist group, capacity building and situational awareness at iba pa.

Hindi naman makapaniwala sa report na ito si Senate Minority Leader Franklin Drilon na siyang nag-usisa sa NTF- ELCAC budget ng PNP at ng Department of Interior and Local Government.

ADVERTISEMENT

"24 na taon na po ako sa Senado, ngayon ko lang narining ang report na 13 million activities in a span of 1 year or less than 1 year," aniya.

Sa kanyang computation, kung totoo ang 13 milyong aktibidad ng PNP mula Enero hanggang Oktubre, nakapagsagawa sila ng 43,333 na aktibidad kada araw na mahirap aniyang paniwalaan.

Sabi ni Drilon, nasita ng Commission on Audit ang paggamit ng NTF-ELCAC budget. Dahil dito, hiniling niya kay Angara na pag-aralang maigi kung aaprubahan ang panibagong P1.19 bilyon na NTF-ELCAC budget na ipinalalagak sa DILG at PNP.

Sa nasabing halaga, ang P110.4 million ay ipinalalagak sa Office of the Secretary at halos P1 bilyon muli ang ibibigay sa PNP.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.